Saturday, October 12, 2013

My most memorable combat action: Leave no one behind (Part 4)

Souvenir photo with my warriors after a combat action in Basilan island. The piece of cloth that I am wearing is my amulet (anting-anting) that I believed, protected me from harm. My reliable radio man, Cpl Cuevas (2nd from right) is monitoring radio traffic. (10SRC photo)


Mga bihasa na sa pakikidigma ang Abu Sayyaf na nakasagupa namin. Kapag nakaka-isa sila at hindi agresibo ang kalabang mga sundalo, kinakawawa nila.

Marami na ang napugutan ng ulo dahil nagkakaiwanan. Nakakalungkot pero iyon ang katotohanan. Kung di mo iwanan ang kasamahan, di mapugutan!


Mas nakaka-low morale kasi sa tropa kapag merong napupugutan. Malaki ang demoralizing effect. Parang bumagsak ang mundo sa yunit. Di ko papayagan na maranasan iyon. Simple lang ang sinasabi kong solusyon. Magkakaubusan man, walang iwanan!

Personally, di ako naniniwala na mas magaling sila makipaglaban, lalo na sa aming nasa First Scout Ranger Regiment....lalo na sa 10th Scout Ranger Company na aking pinamunuan. 

Training ang aming 'snacks'. Ayaw ko yong patulog-tulog sa kampo. Lagi akong merong combat maneuvers na me kasamang live firing. Ang lahat ng tao ko ay nakakatama ng man-sized target hanggang 250 meters. Kapag mga snipers naman na skills, alam na. 

Pero, mahalaga rin na magaling ang combat leadership ng mga unit leaders. Dapat ma-kontrol nila ang kanilang mga tauhan. Dapat kinakatakutan at nirerespeto sila ng mga tao nila sa panahon ng pitpitan.

Sino nga naman ang sundalong susunod sa command ng kanyang lider na nangangatog ang tuhod o nanginginig ang labi sa nerbyos? Ito ang tinitingnan ng mga sundalo, lalo yong mga datihan. Alam ko, tinatawanan at ginagawang pulutan ang nakikitang opisyal na ni-nerbyos. Ayaw ko ring mabansagang, nerbyoso.

Kaya naman, nang nasuong ko na ang nakakilabot na sitwasyon. Ginawa ko ang lahat na mabawi ko ang momentum. Dapat ma-kontrol ko uli ang sitwasyon. 

Sa unang tingin ko, talunan kami sa unang yugto ng bakbakan. Sa loob ng isang oras, naka 5 na ako na sugatan. Nagkahiwalay ang ibang tropa. 

Ayaw akong lubayan ng putok ng mga Abu Sayyaf  sa aking posisyon. Nagsisigawan sila na nakitang merong nabulagtang mga sundalo. Ipinapahiwatig nila na sila ay nasa advantage.

Napansin ko ring merong namumutok galing sa aming likuran. Tinawagan ko si Cpt Oliver Almonares. Sa inisyal na coordination ay dapat akyatin nya ang Bud Bulawan. 

"Boy, paki-kontrol tropa mo sa likod. Mukhang nababaril nyo rin kami! Tsek mo mabuti ang fields of fire," sigaw ko sa kanya sa handset ng PRC 77 sa gitna ng mga pagsabog. 

"Sir, di ko naakyat ang high ground. Maganda pwesto nila at sila yang bumabaril sa inyo at sa amin dito sa lower ground. Na-pin down kami pati ang 7th SRC sir," sabi ni Cpt Almonares na tubong Iloilo. 

"Hold the ground! Relay kay Bong Upano ipa-forward ang 90RR gunner kasi merong RPG ang kalaban. Maganda ang pwesto nilang semento."

Tumakbo ako sa likuran. Tinulungan ko si Sgt Legaspi na mag-akay ng mga wounded. Nakita kong pati si Zambrano ay inaakay na rin. 

Kinausap ko sya habang ginagamot ni Legaspi.

"Dong, ano nangyari sayo? Di ba pinagbuhat kita ng wounded kanina?"

Tumitilamsik ang mga bala sa aming paligid. Buti, me pagka-boloman yong tumitira. 

"Sir, nang pinuntahan ko sya, natamaan na rin ako. Di ko na rin kayang buhatin sir!"

Inilagay sila lahat ni Legaspi sa isang konkretong bahay para di matamaan ng umuulang bala. Panay haging pa rin sa aming paligid. 

Mamaya't-maya ay tumatakbo si Legaspi para magbuhat ng mga sugatan.

Si Sembrano na aming Platoon Sergeant ay sugatan na rin sa kamay. Pilay na ang aking yunit. 

Tinakbo ko ang kabilang dako sa bandang school building, andon pa sina Cpl Gil Galsim at ibang tropa niya. Harap at likod ang kinakaharap na mga kalaban.  Nakita ko na okay sila at magkakatabi ang teams. 

Pinituhan ko lang sila at sinigawan. "Laban, laban. Walang iwanan!"

Ang karamihan sa mga kalaban ay nasa aking pwesto, binalikan ko ang aking mga tropa, ang team ni Sgt Tayros. 

Nakita kong paparating na ang 90RR Gunner pero di makalapit sa akin dahil sa sinalubong sila ng putok. Minabuti ko silang takbuhin para sunduin. 

"Sunod sa akin bilis! Ihanda ang bala! Load!"

Kailangan naming maputukan ang pwesto ng isa pang M60 Gunner ng kalaban na katabi ng RPG gunner. Iyong mga damuho na iyon ang nagpapalakas sa kanilang loob para kalabanin kami. 

"Sir me problema!" Nagkamot ng ulo ang gunner. 

"Ang bala sir!" Malabo ang boses nya sa lakas ng mga putok. 

"Anoooooooo? Ano sabi mo?" Inilapit ko na ang aking bibig sa tenga nya para loud and clear.

"Ang bala sir, andon pa sa likuran! Nagkahiwalay kami sir! Natamaan kasi yong isa naming kasama!" Ginamit nya ang nguso pangturo sa likurang bahagi na kung saan ay nakatago ang me dala ng 90mm High Explosive (HE) rounds na pambala sa kanyang armas. In short, wala syang silbe. Inutil dahil walang bala.

Oo nga naman. Dalawa ang problema, ang wounded na nakahandusay at ang bala. Luging-lugi ang feeling ko. Dapat makabawi na. Meron pa rin kasing namumutok sa high ground. Pa-isa isang natatamaan ang tropa. 

Minabuti kong tawagan ang aking mistah. "Eagle 3 this is Bullseye 6, over!"

Malumanay pa rin ang boses ng aking mistah pero bakas ang pag-alala. Batid nyang dumadami ang aking sugatang kasamahan. 

"Go ahead bok. Kumusta dyan sa pwesto mo? Kaya pa? Tumawag na ako ng reinforcement sa Battalion."

"Bok, yang namumutok sa high ground ay dagdag sa bigat ng suliranin ko. Baka pwede mong gawan ng paraan at na-pin down yong dalawang kumpanya na nasa likuran ko, over!"

"Roger bok, ako na bahala. Take charge ka rin dyan!"

Tinakbo ko ang pwesto ng tropa ng 7th SRC na me dala ng bala. Naabutan ko si 2nd LT Felicito Cutit, isang bagitong opisyal na kaka-report lang din mga iilang buwan lang ang nakaraan. Maswerte ang batang ito, nakatikim agad ng isa pang bakbakan bilang Platoon Leader pagkatapos ng isa pang bakbakan sa Danit Puntukan noong July 2001

"Kayong me dala ng bala, takbo sunod sa akin! Goooooo!" At itik-itik kaming tumakbo habang nakipagpatintero sa mga bala papunta sa aming covered position. Success!

Ang problema pang isa, kailangang lumabas sa open terrain ang 90RR Gunner para iputok ang armas nya. May isang niyog lang doon na pwede nyang pagtaguan. 

Kailangan nya ng covering fires para protektahan sya sa kalaban na pasulpot-sulpot din ang mga ulo para mamumutok sa likod ng sementadong bahay at mga puno.

Nag-signal ako sa aking mga kasama na Team ni Sgt Tayros. 

"Cover fire tayo. Puputukan natin ng 90RR ang kalaban!"


Parang sinangag ang mga putok na sumunod. Suppression fire ang ginawa ng tropa para magtago ang mga kalaban. 

Sa wakas, nakapwesto na rin ang 90RR Crew. 

"Clear the back blast area!" Kaboooooom! 

Nagliparan ang impact area. Sinilip ko ang pwesto nila. Tumahimik sila pero me umuungol. 

Pinatakbo ko uli ang mga 90RR Gunner para mag-load ng isa pang bala. 

"Sir, sir, sir!" Nagsusumbong si Arancillo sa akin.

 "Ano yon? Problema?"  Kapag lider ka nga naman, dinadalhan ng problema. 

"Ang M60 MG ko sir, ayaw nang gumana!" Patay kang atabs ka

"Ay damuho yan. Bakeeeeeeeeeeeeet?" 

Inusisa ko ang baril nya. Nag-aapoy na ang barrel. Iyon na nga lagi ko sinasabi eh. Hindi uso ang issuance ng spare barrel ng M60 MG. Me limit ang number of rounds at kailangan nang magpalit ng barrel kasi quick detach lang yon. Kaya nga dapat crew-served weapon at me ka-buddy ang Gunner eh.

"Wala na tayong magawa dyan. Magtago ka na  lang muna at palamigin yan!"

Sinilip ko ang nasa harapan kong kalaban na nasa puno ng sampalok. Me gumagapang para hilahin ang kasama nilang casualty. Nahirapan akong barilin kasi dapat weak-hand gamitin ko. 

Nasa kaliwang bahagi kasi ang pwedeng posisyonan ko. Paisa-isang round lang pinuputok ko sa paligid nila. Paubos na ang 2nd magazine ko, pagkatapos ng dalawang oras na palitan ng putok.  Di kasi ako sanay na kinakaliwa.

Nakita ko, andon pa ang M60 Machine Gun ng Abu Sayyaf. Nag-alala akong makuha rin kagaya ng M14 na nahila rin nila. Naalala ko si Arancillo na nag-malfunction na ang M60 MG. Ito na ang solusyon!

Nilingon ko si Orozco. Tumingin din sa akin at tila nag-aantay ng aking order. 

"Ito na ang chance mo. Gapangin mo ang M60 Machine Gun. Pasamahan kita ng isa pa. Ako mag-cover fire sayo!"

"Yes sir, kaya ko yan!" Astig si Orozco. Yes agad kahit mga bala ang sasalubong sa kanya. Obey first before complaining. Confident talaga sya. Ganon din ako. Kaya naming putukan ang kalaban na di matamaan ang kasamahan na nasa pagitan namin at sa pwesto ng Abu Sayyaf. 

Bilib ako kay Orozco at ang Private na pinasama ko sa kanya. Sumusugod habang gumagapang. Di alintana ang mga punglong nagliparan, galing sa kalaban at galing sa amin na pinapahaging namin sa kanilang ulunan. Para silang bayawak sa bilis ng gapang hanggang maabot ang Machinegun. Success uli!

Masigla si Orozco na bumalik sa pwesto ko. 

"Ayan na sir ha. Nakuha ko yan!" 

Tinapik ko sya sa balikat, napabilib ako sa aksyon nya. 

"Ang galing mo tsong! Para ka ring Musang!"

Tinawag ko si Pfc Arancillo na lupaypay dahil sa sinapit ng kanyang M60 MG. 

"Ayan na bago mong machinegun! Mas malinis pa sa gamit mo!"

Napangiti sya sa replacement gun. Fighting mode sya uli!

Deception

Tila ay lalong nagagalit ang mga Abu Sayyaf  sa nangyari. Naririnig ko pa ring sumisigaw. 

Tinawagan ko uli si Cpt Boy Almonares at si Cpt Upano sa pamamagitan ng PRC 77 radio. 

"Ipadala ang lahat ng granada dyan. Nagtatago sila sa likuran ng sementadong bahay!"

Di kalaunan, paisa-isang nagdatingan ang mga tropa para magdala ng granada at maghakot ng wounded para dalhin sa helicopter landing zone (HLZ) na ginawa ng tropa ng 14SRC at Bn Hqs sa high ground. 

Patuloy pa rin ang palitan ng putok. Natamaan na rin ang iilang tropa ng 15SRC at 7SRC. Kakainis na. Kailangan kong makuha ang magandang pwesto ng mga kalaban.

"Sir, ito na ang ipinakuha mong mga granada," sabi ni Pfc Gacutan sa akin na nakarating sa aking pwesto kasama ni Pfc Jack Dansalan. Magaling sila sa sprint. Wala silang tama kahit inulan ng bala.

"Okay, sumama kayong tatlo sa akin. Takbuhin natin ang sementadong bahay sa harap para tapunan natin ng granada," sabi ko sa kanila. Patuloy ang covering fires ng ibang teams sa amin. 

"Allahu Akbar! Allahu Akbar!" Sigaw nang sigaw ang mga kalaban na tila nagpaparamdam na lalaban sila ng patayan. 

Arrrrrgggggh! Ungggggggggggggggg! Ahhhhhhhh! Mukhang iba ata ang sinisigaw ng ibang kasama nila. Me mga tama yon.

Kailangan kong ipaalam sa kanila na alive and kicking pa kami. Ayaw kong malaman nila na umabot na sa 11 ang sugatan kong tropa sa harapan kasama na ang taga 15 SRC at 7SRC na dumugtong sa aking kumpanya para maghakot ng wounded.

"Prrrrrrrrrrrrt!Seven Company, maneuver left! Ten company, assault!" Bigla silang tumahimik. Tinablan ng 'psyops'.

Nakadikit na kami sa isa pang bahay. Ramdam namin na nasa kabilang dako ng bahay ang iba sa kalaban. 

Tig-isa kami ng granada para itapon sa likuran ng kanilang posisyon. 

"Tapon! Granadaaaaaaaaaaaa!" Paisa-isang itinapon nina Gacutan ang kanilang granada. Booooom! Boooom! Boooom!

Ipinahuli ko ang aking hawak na granada. Pang finale ako. 

"Ayan ang sayoooooooooooo!"  Bog! Sumabit sa bubong ang tapon ko. Gumulong sa kabila. Plak! Dud ang animal!

Ratatatattatat! Ratatatatat! Lumipat sila ng posisyon, dumistansiya sa amin. 

Tinakbo ko uli sa likuran sina Tayros. Gusto ko nang tuluyan na sugurin. Nasa amin ang momentum. Umabot na nag 4 oras ang putukan. Isang long magazine na lang natira sa akin!

"Dong, assault na natin sila! Skirmishers formation. Prrrrrrrrrrt!"

Nakalinya na kami habang pumuputok. Nasa sampu kami sa side namin. Kasama na rin namin sina Gacutan at Dansalan. Gusto kong maagaw ang dalawang bahay na inokupa ng kalaban. 

Bratatatatat! Bratatatat! Bratatatat!

"Prrrrrrrrrrrrrrrrrrrt! Assault! Assault!"

Bigla na lang, nagliparan ang shrapnel at debris sa aming paligid. 

"Booooooom!" 

"Me tama ako!" 

Nakalingon lahat sa akin ang mga natamaan. Ano ba yan, ako na talaga makaka-solve sa lahat ng problema ng tropa. Ako na!

"Sir, natamaan ako!" Sa mukha ang tama ni Cpl Jojo Casimiro. Lumalabas sa bibig ang dugo. Tumitingin sya sa akin. 

Maraming duguan sa tabi at harapan ko. Umuulan ng bala. Napatulala ako habang nakaluhod.

Sobra kalahati ng assaulting elements ang may tama. Kailangan ko ng mabilisang desisyon. 

Kinawayan ko si Casimiro. "Wag kang mamatay! Takbo dito bilis!"

Isa sa nakita kong napaupo ay si Orozco. Natamaan sya sa hita. Pinipilit tumayo. Warrior talaga.

"Cuevas, buhatin nyo si Orozco dali!"

Sa harapan, 3 na lang ang naiwan kong tropang nakipaglaban kasama si Sgt Tayros at Pfc Quipot. Basta, walang iwanan!

Anim ang nasugatan kong mga kasamahan. Nakahiga ang isa sa harapan ko na may tama sa ulo. 

"Sirrrr, tabaaaaaaaaaaaaaaang!" (Sir, tulong!) Helpless na si Pvt Castillo. Kakaawa ang kalagayan at me tama sa ulo at leeg. 

Di na ako nag-isip. Sya na inuna ko. 

"Sakay sa likod ko dali! Hawak sa leeg ko!"

Parang 10kgs lang ang dala ko, piggy back ko sya para mailayo sa kill zone.

Naitakbo ko sya sa likuran, sa pwesto ni Sgt Legaspi. 

Malakas ang agos ng dugo. Di ko rin alam kung mabuhay sila ni Cpl Casimiro. 

Napabuntong hininga ako. Sinalo nila ang mga bala para sa akin. Naawa ako sa kanila. Di pa tapos ang laban.

Bumalik ako sa harapan kasama ni Dansalan na me tama sa kanyang kamay. 

Ayaw nyang magpa-evacuate dahil ayaw nya akong iwanan.

(Ipagpatuloy)







8 comments:

  1. i salute ur bravery sir..... lalo akong humanga sainyo,tumulo luha ko hbang bnabasa ito..proud akong sabihin na nagmahal ako ng sundalo proud army wife..long live warriors

    ReplyDelete
  2. Wow nice one ang intense ng action..sana magawan nang movie to matagal-tagal naring walang movie na seryoso ang tema puro nalng drama, papacute at papatawa..sila rin pumapatay sa industriya nila....saladu ako sa kagitingan nang mga musang..snapppy salute para sa inyo sir!!

    ReplyDelete
  3. Classic act of bravery and leadership Col. I am looking forward to your part 5. It's like am watching "The Black Hawk Down" - very intense. I just hope that Abu Sayaff will be crushed forever and there will be long lasting peace in Mindanao.. :-)

    ReplyDelete
  4. Umaatikabong bakbakan. Nabitin na naman ako sir. Hahaha. Cant wait sa sunod na part.

    ReplyDelete
  5. bitin tlga ,,hehehe saan yung part 5? ser?

    ReplyDelete
  6. As usual..first thing in the morning..check ko agad fb if may karugtong na..snappy salute sir!

    ReplyDelete
  7. Sir Cabunzki, ang tapang mo! Alisto pa. Ikaw na ang pwede maging CO ko. :)

    ReplyDelete
  8. Sir, akala ko sa movie lang nangyayari eto. Dapat nagagawan din ng book ang mga experiences ng soldiers sa battlefield...

    ReplyDelete

Sponsor