Monday, October 14, 2013

My most memorable experience: Leave no one behind (Part 5)



Si Jack Dansalan ay isa sa pinakamagaling na tropa ng 1st Scout Ranger Battalion sa larangan ng intelligence operations. Isang Tausug na tubong Bgy Baunuh sa bayan ng Lantawan, naging biktima ang kanilang pamilya sa mga karahasan ng Abu Sayyaf. 

Ang kanyang pinsang CAFGU na si Asahri ay nasawi kasama ang mga sundalo ng 32nd SF Company sa isang bakbakan sa Bgy Mampang, sa nasabi ring bayan noong July 2000. Mga palaban sila at napaka-loyal sa Army at sa bandila ng Pilipinas. Kasama ko na sila sa mga combat operations laban sa mga Abu Sayyaf simula pa noong 1998 nang ako ay Ex-O ng 12th Scout Ranger (Always Ready) Company.

Di na ako nagtaka kung bakit ayaw nya akong iwanan sa gitna ng bakbakan kahit pa man ay duguan na sya dahil sa tinamong sugat sa kamay. 

"Sir, di kita pwedeng iwanan. Daplis lang ito, pwede pa akong bumaril," sabi nya. 

Naantig naman ang puso ko at kinakalinga ako ng mga tauhan ko. Lalong tumaas ang morale ko at lalong nadagdagan ang tapang. Dapat kong maiuwing buhay ang tropa ko. Promise ko sa kanila yon.

Hinila ko sya sa likuran para magamot. Don ko nakita na kandarapa ang lahat para lunasan ang mga sugatan. Si Legaspi lang ang bihasa sa first aid bilang isang graduate ng Medical Aidman Course sa AFP Medical Center sa V.Luna. Kami naman ay kumbaga generic lang ang alam sa combat life saver treatment at 'Stop the bleeding' ang unang inaatupag.

Nakita ko sabay-sabay umuungol sa sakit sina Pfc Demy Partible at si Pvt Castillo. Si Legaspi ay inuna si Cpl Casimiro na ang daming dugo ang idinudura. Kawawang-kawawa rin hitsura nya. 

Inabot ko ang aking combat pack na iniwan ko sa una kong pwesto. Tuloy pa rin ang putukan. Lumalaban ang lahat. Humina ang putok mula sa high ground. Nalaman ko na lang na si Cpt Rambo Almodovar ang namuno sa pag-assault doon sa Bud Bulawan mga 200 metro sa aking posisyon. 

"Jack, tulungan mo ko. Pahintuin natin ang dugo sa tama ni Castillo. Hawakan mo tong t-shirt."

Samantala si Partible ay positibo pa rin ang isip. Inabutan sya ni Cuevas ng sigarilyo. 

"Ayan, humitit ka muna at kalimutan mo muna ang hapdi ng tama mo," sabi ni Cuevas. Okay rin ang first-aid ng taga Mindoro.

Nang nakagawa na ako ng pang-tourniquet, kinapa ko ang sugat ni Castillo sa ulo. Tinali ko ang pinunit na damit para ma-hold ang bandage. Stop bleeding, iyon lang nasa isip ko. 

"Sir, me isa pa rito," sabi ni Castillo, sabay hawak sa likurang bahagi ng leeg. Putlang-putla na sya sa dami ng dugo. 

Humahaging pa-isa isa ang bala sa aming paligid. Itinali ko ang damit. Stop bleeding ulit. Me kumakalansing sa hangin na mga bala habang nagtatali ako. Zing! Zing! Zing!

"Arrrrrrrrrrrrhgh! Sir!" Tinapik ni Castillo ang aking kamay. 

"Ano yon?" Inisip ko natamaan na naman sya. 

"Sir, nasasakal ako ng tali mo sa leeg ko. Mas masyadong masikeeeeeep!"  

"Ay buang!" Oo nga naman, stop bleeding kasi nasa isip ko. Yon lang ang nakita ko na paraan maitali ang gauze pad na nilagyan ng betadyne. 

Pagkatapos namin sila mailagay sa covered position, kasama ko uli si Jack Dansalan sa harapan. 

Naririnig ko ang  MD 520 MG Attack Chopper sa aming ulunan. 

"Bullseye this is Falcon, go ahead over!" Boses ng aking mistah na si Cpt Erwin Solomon ang nasa radyo. 

"Yeheeeeeeeeeeeeeey! Patay kayo lahat na Abu Sayyaf ngayon!" Nagsigawan pati mga wounded ko na tropa. 

Okay nga yon na me close air support. Kailangan ko lang na mai-direct nang mabuti kasi dikitan ang aming mga pwesto, otherwise kami ang mabagsakan ng rockets o kaya ma-araro ng Cal 50 Machinegun nito. 

Nag-cover ako sa isang sementadong bahay at, nag-orient ng mapa. Minarkahan ko lahat ng mga grid locations ng friendly forces at ibinigay ko ang aming grid location. 

Nag-estimate ako ng posisyon ng tropa nina Abu Sabaya at nilagyan ko ito ng allowance na distansya para di kami matamaan kung mag-mintis ang tira ng aking mistah. Just in case lang.

Ang unang task ko ay paano ma-identify ng piloto ang aking posisyon. Nagpatapon ako ng smoke grenade na kulay yellow iilang metro sa aking posisyon. 

"Falcon this is Bullseye. Smoke is out. Identify over!" Umiikot-ikot ang chopper sa aming ulunan pero napapalayo. 

"Falcon, this is Bullseye. I am at your 3'o clock. Umikot ka, over!"

Sa wakas tinutumbok na nya kami. "I am at your 12 o'clock over!" 

"Bullsye, this is Falcon. Nakakita ako ng yellow smoke!"

"Bingo! Mistah, ako yan!" Sa wakas, nakita nya kami.

Palayo nang palayo ang namumutok. Parang nakakita ng multo nang makita ang chopper. Talagang mauulanan sila ng bala ngayon.

"Falcon this is Bullseye6, over! From my position, enemy is 5800mils, 100meters, over!" 

Ang mga teroristang Abu Sayyaf na nakasagupa ko sa raw na iyon ay pinapa-ratrat ko sa MD 520 MG Chopper. Nagkandarapa silang lahat na umeskapo dala ang mga casualties nang makita ang choppers na nag reinforce sa amin. 


"Bullseye this is Falcon. Copy enemy location 5800 mils,100 meters, over!"

Nakita ko tumutungo sa ibaba ang ulunan ng MG. Nag-uusap silang dalawang piloto ng 2 helicopters na dumating.  "Coming in, hot!" Bratatatatatatatatat! Cal 50 Machinegun ang itinira.

"Yeheeeeeeeeeeeey! Hooooah!" Sigawan ang mga natira kong tropa sa harapan.

Sumunod naman ang pangalawang helicopter. "Coming in, hot!"

Swooooooooosh! Kabooooom! Yumayanig ang paligid sa pinakawalang rocket.

Dalawang beses nilang inulit. Nagtago kaming mabuti sa semento at baka me maligaw na bala o shrapnel. Baka kami naman ang mahiyang tumayo sa friendly fire

Napagpasyahan kong panahon na ulit para i-push ang assault. 

"Falcon this is Bullseye, mag-assault na kami!"

Sinama ko na lahat ang available na tropa. Halo-halo na. Me 15th SRC na pinamunuan ni Cpt Almonares at 7th SRC na pinamunuan ni Cpt Bong Upano,  at ang natira kong tropang 'last men standing'

"Rangers, assault! Assault! Prrrrrrrrrrrrrrrt!"

"Search!"

Na-track namin na ang isa sa withdrawal direction ay papunta sa posisyon ng 10th Infantry Battalion. Sana, ma-ambush nila ang mga teroristang pumupuslit.

Casualty Evacuation (CASEVAC)

Umabot sa 17 na tropa ng 1st SRB ang sugatan sa 6-hour encounter na iyon. Labing-isa sa mga sugatan ay aking mga tauhan. 

"Paisa-isa silang binuhat papunta sa likuran na kung saan ay gumawa sila ng HLZ"

Hindi accessible sa sasakyan ang encounter site. Para maiwasan ang ma-loss blood, helicopter ang pinakamabilis na pang-CASEVAC.

Ang problema  namin ay panay kakahuyan at niyugan ang paligid. Napilitan ang tropa na magputol ng niyog at kahoy. Sobrang isang oras din ang iginugol para maka-gawa ng maliit na HLZ. 

Sobrang maliit ang HLZ pero matapang ang piloto na bumaba. Sumasayad sa dahon ng niyog ang kanyang elise. 

Nalaman ko later na ang mistah ko na si Cpt Richie "Pabie" Pabilonia ang isa sa piloto. Alam nyang ako ang pinuno ng heavily engaged unit. Syempre, mistah. Wala ring iwanan.

Bandang 2:00 pm, lumapag sa HLZ ang unang chopper. Lulan dito si SOUTHCOM chief, Lt Gen Roy Cimatu. Dumating na rin noon ang aking BATCOM na si Lt Col Charlie Galvez at si 103rd Bde Commander na si Col Hermogenes 'Jun' Esperon.

Sobra syang nag-alala sa sitwasyon ng mga WIA. Ipinatawag nya ako para kausapin. Umakyat ako uli sa aming objective rally point (ORP) para mag-report sa kanya. 

Sinaluduhan ko sya at kinamayan nya ako. 

"Good job, Ranger Cabunoc! Na-monitor sa SIGINT (Signal Intelligence) na marami silang casualties!" 

"Sir, pinapasalamatan ko ang aking mistah na si Cpt Almodovar. Sya mismo ang nag-assault sa mga kalaban na nasa Bud Bulawan at pinagbabaril kami sa baba!"

Tumaas ang morale naming lahat. Napakabait at supportive ng aming heneral na beterano rin sa military operations sa Jolo nang sya ay Tenyente pa. Bihira akong makakita ng 3-star general na bumibisita sa frontline mismo. Me ka-buddy pang Bde Commander namin na lagi ring nag-TCP (Tactical Command Post) operations kadikit sa aming AO.

"Kaya lang, nahihirapan ang mga piloto na balikan ang HLZ. Dapat lawakan pa ang pag-clear ng HLZ para mas safe ang paglapag ng choppers," sabi ni General Cimatu.

Oo nga naman, parang kasya-kasya lang ang chopper. Napabilib ako sa aking napaka-daring na mistah na piloto

"Dapat magputol pa kayo ng dagdag pang puno para di tayo madisgrasya," sabi ng butihing heneral na isang Ilonggo. 

Tawanan kami at nagbiruan kahit pa man ay katatapos lang ng karirimarim naming karanasan. Iyon dahilan kung bakit bihirang merong na PTSD (Post traumatic stress disorder) na sundalong Pilipino.

Napatingin ako sa mga itak ng aking kasama. Ang liliit na tila panghiwa ng isda. Napatingin ako sa aking Barong. Ayaw ko nga ipangtabas. Mawala ang swerte.

Nakaisip si General Cimatu ng pang-motivate sa lupaypay nang tropa sa kakataga ng puno, gamit ng maliliit na itak. Basahin ang link na ito para malaman:


Success ang pag-gawa namin ng HLZ at paisa-isang kinarga sa helicopter ang mga sugatan para madala sa Southcom Hospital. 

Nakangiti si Orozco nang binuhat papuntang chopper. Parang nababasa ko ang isip nya: Ang special enlistment ko?

Isa lang ang aking inaalala sa mga oras na iyon. "Mabubuhay ba ang mga lubhang nasugatan kagaya ni Casimiro at Castillo?"

(Ipagpatuloy)









11 comments:

  1. Waaaaahhh!
    Persblad sa pagkaadik ko sa seryeng ito..

    Salamat sir.. sana maipost mo agad ang part 6 :D

    ReplyDelete
  2. More power sir.. salamat sa mga kwento

    ReplyDelete
  3. Great read!

    Enjoyed it maski napuyat ng todo!

    ReplyDelete
  4. yes!11 ang ganda talaga! idol sir! salamat sa part 5!

    ReplyDelete
  5. sna padating ng araw kasali na kmi sa isinulat

    ReplyDelete
  6. waiting ng part 6.....sana mamaya meron na part 6..

    ReplyDelete
  7. nice ang galing part 6.. salamat sir :)

    ReplyDelete
  8. Sir! Ang ganda ng series na 'to more than any non-fiction story...SOBRA! Naaalala ko po tuloy yung mga anecdotes ng idol kong prof na major po dyan sa SOCOM din...whehehe...:"> Two-thumbs up!
    Kelan po yung part 6??? Sana ma-release na agad. :))) XD

    ReplyDelete
  9. Sir, yung tinutukoy mo ba na Ilonggong heneral ay si Lt. Gen. Roy Cimatu? Kasi pagkaka-alam ko po eh GI po sya "Genuine Ilocano" :D

    ReplyDelete

Sponsor