Saturday, November 19, 2011

Ang Condom ni SM

Sa level ng batalyon, dalawa ang mga 'tigasin' na NCO na nirerespeto ng mga sundalo----ang First Sergeant ng Headquarters Service Company at ang Battalion Sergeant Major.

Kapag Sergeant Major, ang tawag ng lahat sa kanya ay si SM. (ess--emm)

Ang Sergeant Major namin sa 1st Scout Ranger Battalion noong taong 2000 ay isang malaking tao, malakas ang boses at typical na warrior na NCO.

Nang ipinadala kami sa Sulu para kalabanin ang mga bandidong nangidnap ng mga turista galing Sipadan island sa Malaysia, ang aming pansamantalang kampo ay sa Camp Teodulfo Bautista sa Busbus, Jolo, Sulu.

Dahil maulan lagi sa Sulu, ang aming mga 'special equipment ay kailangang naka-water proof. Kasama sa aming binabalot ay ang Global Positioning System (GPS), Hand-held Radios, Maps at iba pa.

Ang paborito naming gamiting pambalot ng GPS at maliliit na hand-held radios ay ang condom. Magaling itong pang-protection kagaya ng orihinal nitong purpose.

Dahil maraming GPS at radio ang kailangang balutin, ang instruction ni BATCOM (battalion commander) ay minsanan na ang pagbili.

Si SM ang agad-agad na nagboluntaryo na magpunta sa nag-iisang pharmacy sa bayan ng Jolo upang bumili ng condoms.

"Over-sized condoms"

Pagdating don, walang kyemeng nagtawag ng Muslim pharmacist na nakabantay at sabing:

"Indah, pwede makabili ng condom yong over-sized?". Nandilat ang mga mata ng conservative na pharmacist.

"Sel, bakit po over-sized? Parang walang ganon eh. Para saan nyo po gagamitin?.

 Nakikita ang hiya sa mga mata ng pharmacist ngunit nakatawa ito ng hilaw.

Para maging klaro, ipinakita nya ang kanyang braso, sa bandang pulso.

"Indah, basta ganito kalaki ang pag-gamitan kaya siguraduhin mo na yong malaki. GPS ang pangalan non!".

Lalong di alam ng pharmacist ano yong GPS at nagbubulungan sila ng kasamahan nya at nagtawanan.

"Sobrang laki naman, parang Amelikan," naririnig sa kanilang bulong-bulungan.

No comments:

Post a Comment

Sponsor