September 28, 2000 (Pantao, Talipao, Sulu)
Bandang alas tres pa lamang, nauulinigan ko na ang mga kaluskos ng mga tinutuping poncho sa aking mga katabing tropa. Paisa-isa na pala silang ginising ng mga posted sentinel sa aming sector.
Sa aming briefing kasi, 0400H (4:00am) ang jump-off namin galing sa lugar na iyon papunta sa aming bagong AO (Area of Operations) sa kagubatan ng Tiis Kutong at Indanan na iilang kilometro lamang ang layo mula sa Pantao.
Sa lamig at hamog na aming naramdaman sa gabing iyon, mababaw ang aking tulog. Mabuti na lang at mabilis ang aking Kaldero 6 na si Pvt Adel Hermano na nagpainit ng aming kape.
Apat kaming kumpanya ang initial na magkasama sa iisang axis of advance. Ang leading elements ay ang Light Reaction Company, 10th Scout Ranger Company, 20th Scout Ranger Company at ang 12th Scout Ranger Company.
Ang ulyaning Musang
Well-equipped ng nigh vision goggles (NVGs) ang LRC kaya kampante silang nasa harapan kung night movement.
Sa aking kumpanya, limited ang NVGs at kalimitan ay natural night vision capability lamang ang gamit. Kinakailangan pa namin na mag-halt sa isang madilim na lugar na kung tawagin ay initial rally point (IRP) upang magkaroon ng night adaptation.
Mahirap ang movement kapag limited visibility. Ginagawa naming 1-3metro ang layo ng bawat element para ma-maintain ang effective control.
Samantala, kung kumpleto sana ang NVGs, parang araw lang din ang taktika sa movement. Mas maganda kapag kumpleto sa gamit para ika nga ay "Who owns the night, wins".
As usual, dapat maingat ang aming mga apak dahil posibleng nasa paligid lang din ang mga kalaban.
Iilang araw lang ang nakaraan ay nabakbakan ng tropa ng 7th Scout Ranger Company na pinamunuan ni 1st Lt Roy Derilo ang tropa ni Commander Robot sa gilid ng Bud Talipao. Dahil sa kagitingan ng 7SRC, marami ang nalagas sa mga bandido at nasamsam ang mga matataas na kalibre ng armas. Nabulabog sila at nagsipagtakbuhan sa kasukalan.
Iilang araw lang ang nakaraan ay nabakbakan ng tropa ng 7th Scout Ranger Company na pinamunuan ni 1st Lt Roy Derilo ang tropa ni Commander Robot sa gilid ng Bud Talipao. Dahil sa kagitingan ng 7SRC, marami ang nalagas sa mga bandido at nasamsam ang mga matataas na kalibre ng armas. Nabulabog sila at nagsipagtakbuhan sa kasukalan.
Naka-temporary halt kami hindi kalayuan sa Bud Tiis Kutong bandang alas singko nang naulinigan ko ang 'kaguluhan' sa harapan. Pinipilit kong pakinggan ito mula sa aking posisyon.
"Sanamasita!"
"Giahak na!"
Pinatanong ko sa aking tropa ano ang nangyari. Di ko alam kung mainis o matawa ako sa aking narinig.
"Sir, naiwan ni Sgt Boloy ng LRC ang kanyang bandoleer!"
Damuho nga naman. Paano na lang kung napalaban pala kami? Baka makipag-boxing na lang sya sa mga kalaban.
No choice na sila kundi balikan ang naiwang gamit na naglalaman ng kanyang basic load na bala. Kailangan namin syang antayin.
Don ako nagpasya na gamitin ang oras sa mas productive na bagay habang nag-aantay sa tropa na bumalik sa aming assembly area.
"Gentlemen, kainan na natin. Early mess na tayo habang nag-aantay sa ulyaning Musang."
Nagliwanag na noon nang makabalik ang ulyaning Musang dala ang bandoleer na naiwan. Tapos na kaming kumain at handang-handa nang sumabak muli.
Napagpasyahan naming galugarin ang kagubatan ng Tiis Kutong at karatig na lugar. Naghati kami sa dalawang grupo. Kasama ko ang 12th Scout Ranger Company na noon ay dala ni Lt Regie Binalla.
Panay lumang mga bakas ang aming nakita sa kasukalan na iyon. Ang dating pinagkampuhan nina Robot ay amin ding natunton nang ginalugad namin ang hilagang bahagi ng bundok.
Doon na rin kami nagtanghalian sa gubat pagkatapos na magutom sa kakasuot sa mga baging at sa paglalambitin sa matatarik na pinagdaanang lugar.
Ipinagpatuloy namin ang pag-galugad hanggang sa maabot namin ang lugar na sakop ng bayan ng Indanan na nasa kanlurang bahagi ng Bud Tiis Kutong. Walang katao-tao sa mga bahayang aming nadaanan.
Bandang alas singko ng hapon, dumidilim na ang langit dahil sa nalalapit na pag-ulan. Nagpasya akong maghanap ng patrol base para makapagpahinga. Nagdesignate ako ng areas na pagkublihan ng dalawang kumpanya sa lugar na sakop ng Bgy Tandu Patung sa bayan ng Indanan.
Ang aming patrol base
Ang 'patrol base' ay isang temporary defense perimeter na ginagawa ng isang patrolling unit para magpahinga, kumain, mag-maintain ng sandata o kaya ay magpalit ng damit.
Pinipili namin ang lugar na pwedeng depensahan sa posibleng pag-atake, merong mapagkuhanan ng tubig at malayo sa daraanan ng mga tao.
Ang isa sa pinakaimportanteng bahagi ng pag-prepare ng patrol base ay ang pag-secure nito. Dapat ay merong mga gwardya ang bawat team na inaatasan na magbantay 24/7.
Hinati ko ang aking tropa sa dalawa. Ang teams nina Cpl Tayros at Sgt Amolar ay ipina-pwesto ko mga 50 metro sa tawid ng maliit na batis.
Ang aking grupo ay kasama naman ang team nina Cpl Panganiban, Cpl Galsim at Cpl Bulawan.
Samantala, mga 200 metro mula sa aking pwesto, naroon ang 12th Scout Ranger Company.
Bilang bahagi ng SOP, itinawag ko ang aming grid coordinates sa TCP ng Light Reaction Battalion na nasa Bgy Pantao. Minarkahan ko rin sa aking tactical map ang grid locations ng mga katabing units (LRC at 20SRC).
Isang kilometro mula sa aking pwesto ang kinalagyan ng 20th SR Company na nasa Bgy Palan. Para mas malinaw sa akin ang sitwasyon, kinausap ko mismo si 1Lt Sam Yunque, ang Company Commander. Sigurado ako sa lahat na disposition ng mga adjacent units. Ipina-disseminate ko sa lahat na mga teams ang grid locations ng mga katabing kumpanya.
Friendly forces
Bandang 5:30pm, bumuhos na ang ulan sa aming kinalagyan at lalong dumilim ang lugar. Hindi ko na maaninag ang librong binabasa bilang paghahanda sa comprehensive exam ko sa aking Masteral program, kaya binalot ko na itong muli para hindi mabasa.
Habang nire-review ko sa aking isipan ang Principles of Management na aking kinakabisado, nagmumuni-muni ako sa loob ng aking poncho. Nakikita ko ang maliit na batis ay dahan-dahang naging kulay brown dahil sa pagdaloy ng tubig mula sa matataas na lugar sa bandang Talipao. Buti na lang, napuno na namin ang lahat ng lagayan tubig.
Sa bawat security post ay tuloy-tuloy ang pagbabantay ng mga gwardya na nakasuot ng poncho. Ang guarding duties sa patrol base ang isa sa critical task na dapat hindi pinapabayaan dahil siguradong damay ang lahat kung tulugan ng duty.
Nakita kong lumapit sa akin si Cpl Junjie Cuevas at inaabot ang handset ng PRC 77.
"Sir, tumatawag sina Tayros. Me nakikita raw sila sa kanilang position."
Agad kong inabot ang handset at pinindot ang PTT (press to talk) at bumulong sa mouthpiece.
"This is Cyclops 6, go ahead over!"
Sa gitna ng mga kulog at buhos ng ulan, pinipilit kong marinig ang sagot na bulong ni Tayros.
"Sir, me nakikita kaming mga armadong naka-uniform 100 meters south sa aking position at papaakyat na sila dito sa ating pwesto. Ito ba ang 20SRC?"
Lumagabog ang dibdib ko sa narinig. Una, nainis ako dahil kay liwanag ng briefing ko sa mga grid locations ng friendly forces. Pangalawa, kakahubad ko ng aking boots para magpalit ng tuyong unipormeng pantulog.
"Sanamagan, mag-skirmishers kayong lahat. Prepare to engage!"
Tila dahil sa adrenaline, iilang segundo lang naisuot ko na ang aking buong uniporme at naghandang tumakbo papunta sa kabilang pwesto. Habang nag-cross sa lumalalim na batis, minadali kong ini-relay sa 12SRC ang aking mensahe sa radyo.
"Thunder this is Cyclops. Prepare to be engaged. Nasa pwesto ko pa-approach ang mga kalaban!"
Sa lakas ng agos, muntik pa akong maanod sa nooy malalim nang batis. Paakyat ako sa mismong pwesto ng aking tropa nang nagsimula na ang putukan.
Narinig ko na lang ang command ng mga Team Leaders.
"Fire!"
Bratatatattatat! Zing! Zing! Ka-Boom!
Naunahan nina Tayros ang mga kalaban ngunit nakipagpalitan sila ng putok.
Naunahan nina Tayros ang mga kalaban ngunit nakipagpalitan sila ng putok.
Naghahangingan ang mga bala at nagliliparan ang M203 high explosive rounds. Minabuti kong lumuhod sa likod ng niyog para silipin ang kanilang posisyon.
Nasa lower ground ang kalaban. Umaapoy ang muzzle ng kanilang mga baril habang pumuputok. Hinayaan ko ang aking tropa na makipagbarilan. Nasa upperhand naman kami.
Kinontak ko ang TCP (tactical command post) para sa mortar support. Mabuti na lang at naibigay ko na ang lahat ng aming grid locations at pati mga target reference points (TRPs) para sa mga mortar.
"Sir, sa TRP1, pakibagsak ng 1 round high explosive (HE)!"
Iilang minuto lang, narinig ko na ang lagabog ng 81mm mortar round mga 150 metro mula sa aming position. Nasa vicinity ito ng position ng mga kalaban. Dahil nasa defilade ang iba sa kanila, ligtas sila sa grazing fire ng aming M60 Machineguns.
"Ayan, patay kayo!" Nagsigawan ang aking tropa sa tuwa na napabatuktukan namin ng mortar ang position ng mga Abu Sayyaf.
Tinawagan ko ulit si Colonel Bob Morales, ang idolo ko sa mortar gunnery, na syang aming big boss sa LRB.
"Sir, bingo! Fire for effect!" Iyon ang aming hudyat para i-planting rice ng mortar ang enemy position. Dahil 35 metro ang kill radius ng 81mm mortar, siguradong maghihilamos ang mga bandido ng shrapnel nito.
Sa kanilang pwesto, pinipilit ng mga Abu Sayyaf na mananakot at pataasin ang kanilang morale.
"Allahu akbar! Allahu akbar!"
Lalo akong naiinis sa mga bandido dahil nagagawa pang magtawag ng pangalan ng Diyos kahit pa man sa mga kabulastugan nila.
Sunod-sunod ang lagabog ng mortar rounds sa paligid nila. Sinasabayan naman ito ng dalawa sa aking machineguns na noon ay nakapwesto nang maayos.
Bigla na lang, napansin naming me naglaglagan na ilang buko at mga tangkay ng niyog.
"Damuho, binabaril nila ang buko sa itaas natin!"
Marunong din ang kalaban, ginagamit ang buko bilang 'indirect fire' para mabukulan kami. Masakit din ata mahulugan ang noo ng buko!
"Lumayo sa mga puno baka matamaan kayo ng buko!"
Para makabawi uli, tinawag ko ang lahat ng merong M203 at rifle grenade.
"Pwesto kayo, distance ay 200m. Fire!" Sa wakas nagamit ang aming training sa indirect fire.
"Plooook!" (tunog ng kaka-lipad na M203 round)
"Boom!"
Nakikita ko noon na nagkakahiwalay na ang mga kalaban base sa muzzle flashes ng kanilang mga armas na nakikita ko. Umabot din halos kalahating oras silang nakipagpalitan ng putok.
"Cease firing!"
"Observe!"
Pinapakiramdaman namin ang paligid. Sa lakas ng ulan ay mahirap maulinigan ang kaluskos sa paligid. Malay mo kung me gumagapang at magpakaungas na mag-suicide attack.
Pagkatapos ng sampung minutong katahimikan, pinausisa ko ang estado ng aking mga tauhan.
"Team leaders, account! Antay ko ang inyong ACE (ammo, casualty,equipment) report in 10 minutes."
Di nagtagal, napag-alaman ko na walang sugatan sa aking tropa.
"Okay kaming lahat sir, wala tayong casualty," sabi ni Sgt Fernandez, ang aking Platoon Sergeant.
Matipid din ang aming ammo consumption. Ako ay wala ni isang bala ng aking AUG Steyr ang naiputok. Tanging 7.62mm linked ammo ng machinegun ang umabot sa 600 rounds ang naubos. So far, so good!
Dahil sa basa ko sa sitwasyon, pinagpasya ko na ipagpaliban ang pag-assault at pag-search sa encounter site. Safety first.
"Walang matulog ngayong gabi. Bantayang mabuti ang paligid. Walang humiwalay sa patrol base para di mabaril. Lahat ng gumagalaw sa labas ng security perimeter, barilin!"
Ang ibig sabihin sa aking utos ay walang lumabas sa pwesto kahit sa tawag ng kalikasan. Gamitin ang combat shovel kung kailangang magbawas sa loob na mismo ng patrol base.
Para kaming praning sa gabi na iyon. Gising na gising ako hindi dahil sa pagbabantay sa Abu Sayyaf kundi sa mga ungas na niknik. Wala na ata akong ginawa kundi pisatin isa-isa ang mga iyon na mahuli ko na sumisipsip ng aking dugo. Sweet ata dugo ko, kaya sweet revenge din na pakinggan ang lagutok ng kanilang katawan habang pisatin malapit sa aking ear drum.
Kinaumagahan, pinangunahan ko ang search operations sa encounter site.
Nabitbit nilang lahat ang kanilang casualties at nakita namin ang mga duguang damit at mga kagamitan.
Parang may nagkatay ng baka sa paligid sa dami ng mga dugo. Napansin ko na ang withdrawal direction ay patungo sa kasukalan ng Bgy Samak.
Inireport ko ang lahat ng aking observations sa TCP na syang nag-update sa aming tactical map.
Ibinigay naman ni BATCOM ang bago naming AO sa Bandang-Samak area para sa tracking operations.
Expected ko na marami pang panganib ang aming susuungin.
(Ipagpatuloy)
ang bagsik ng musang
ReplyDeleteBitin....sarap imaginin ang labanan
ReplyDeletegaling niyo sir. sana minsan magawan ng pelikula ang mga experience niyo. pero dapat andun yung supervision niyo para talagang malapit sa actual na nangyari. makakapag pataas sa moral ng AFP yun. Good job sir at sa ating magigiting na mga sundalo! God bless more our AFP and PNP!
ReplyDeletemore pa! galing sir saludo kami!
ReplyDelete