Sunday, September 29, 2013

Six armed followers of Misuari die in Zambo City clash


Pagkatapos na mailipat sa Philippine National Police and lead role sa security operations sa Zamboanga City, nagtangkang pumuslit ang anim na tauhan ni Nur Misuari mula sa security cordon ng security forces sa mga lugar sa Sta Barbara-Sta Catalina, sa lungsod ng Zamboanga noong Linggo, ika-29 ng Setyembre

Sila ay dahan-dahang gumagapang sa likuran ng mga nasirang bahayan at naghahanap ng malusutan. Lingid sa kanilang kaalaman, ang linaw ng paningin ng mga police snipers na naka-pwesto sa mga strategic locations para bantayan ang kanilang galaw. 

Dakong 10:00am sa araw na iyon  nang nagkapalitan ng putok ang dalawang panig. Pilit nilang lumaban kahit dehado ang kanilang posisyon. 

Umabot din sa humigit kumulang na dalawang oras bago silang lahat ay bumulagta sa kanilang pinagpwestuhan.

Ito ang patunay na posible pa ring magkaroon ng maliitang bakbakan sa mga barangay sa coastal area malapit sa mga naturang barangay dahil sa presensya ng maliit na bilang ng kanilang hanay na patago-tago sa lugar. 

Natagpuan ng mga pulis at mga sundalo ng 44th Infantry Battalion ang anim na bangkay ng mga tauhan ni Nur Misuari at pati na rin ang anim na  matataas na kalibre ng baril kagaya ng M14 Rifle at M16 Rifles. Halos wala nang bala ang natitira sa kanilang bandoleer.
 

Pumuslit si Malik?



Isang kamukha ni Malik ang nakita ng mga sundalo ngunit di pa napag-alaman kung talagang siya ang naturang napatay sa engkwentro.Matatandaang narekober ng militar ang mga ID cards ni Habier Malik sa bangkay ng isang napatay na kanyang tauhan 3 araw na ang nakaraan. 



 Ugong-ugong sa Zamboanga City ang mga tsismis na nakapuslit na si Malik. Ayon naman sa iba, posible itong nasawi. 

Kahit ano man ang nangyari ke Malik, nasa kanya ang burden of proof ng kanyang disposisyon. Actually, mahirap din ang kanyang kalagayan. 

Kung manahimik na lang sya at hindi umiimik, sasabihin ng kanyang mga tauhan na bumahag ang kanyang buntot sa labanan at nang-iwan sya sa gitna ng labanan. Kung ganon, mawalan sya ng kredibilidad sa kanyang mga kinasasakupan. 

Kung itago ng kanilang hanay ang katotohanang namatay nga sya sa bakbakan mga iilang araw na ang nakaraan, malagay din sila sa alanganin. Hahanapin sya ng kanyang mga tauhan na me malaking respeto sa kanila. Pag malaman nilang itinatago ang katotohanan sa kanyang pagkamatay, lalo silang magagalit kay Nur Misuari na syang nag-udyok sa kanila upang atakehin ang Zamboanga City.

Lokohan

Marami sa mga sumukong mga tauhan ni Misuari ang naghayag ng kanilang pagkadismaya dahil sa panloloko diumano na ginawa sa kanila upang sila ay mag-tungo sa Zamboanga bitbit ang kanilang armas. 

"Sinabihan kami na bibigyan kami ng pera kung sasama sa peace caravan dito sa Zamboanga. Iyon pala, gyera naman puntahan namin," ayon kay Commander Mizbah Baladji, 79, isang babaeng MNLF na nahimok para sa naturang military adventurism.

Ganon din ang mga rebelasyon ng iilan sa mga miyembro kagaya ni Commander Yahya na sumuko kasama ang 5 nyang mga tauhan na halos hinihimatay na sa sobrang pagod at gutom pagkatapos ng iilang araw ng bakbakan laban sa mga Rangers.

"Sa mga kasamahan ko na andyan pa sa loob, mag-isip na kayo. Tingnan nyo ang nangyari sa amin," sabi nya, sa kanyang panawagan sa mga kasamahan na nasa grupo pa ni Malik ng mga panahong iyon.








No comments:

Post a Comment

Sponsor