Monday, September 30, 2013

A Tausug soldier dies in a fierce clash with Misuari's armed followers in Zamboanga City





Hanggang ngayon, meron pa ring nagbubuwis ng buhay para mapanatili ang katahimikan sa Zamboanga City pagkatapos ng madugong sagupaan sa loob ng dalawang linggong nakaraan. 

Kahapon, isang magiting na mandirigmang Tausug ang nagpakita ng kanyang katapangan sa pakikidigma laban sa iilang miyembro ng armadong grupo na gustong pumuslit mula sa security cordon ng militar sa Sta Barbara dakong 2:30pm kahapon, ika-30 ng Setyembre 2013.

Nagmamatyag si Cpl Hakim Jaafar sa kanyang designated sector nang namataan ng kanyang yunit ang mga armadong rebelde. 

Nagkaroon ng palitan ng putok. Si Jaafar ang isa sa agad-agad na nakipaglaban sa harapan.

Isang mandirigmang Tausug, si Jaafar ay isa sa mga magigiting na Muslim na sundalo na nagpakita ng katapatan sa paglilingkod at kakaibang katapangan. 

Hindi alintana ang panganib, hinarap ni Jaafar ang mga kaaway upang sila ay kalabanin. 

Habang nagma-maneuver, natamaan si Jaafar ng bala na syang dahilan upang mabawian sya ng buhay. 

Natagpuan naman ng mga kasamahan ni Jaafar sa 44th Infantry Battalion ang bangkay ng isa sa mga rebelde at nakumpiska ang 2 matataas na kalibre ng baril.  Nagawa ng iba nitong kasamahan na kumaripaspas ang pagtakbo upang magtagong muli, dala ang mga sugatang kasamahan. 

Ang bangkay ni Jaafar ay agad na ipinadala sa Jolo, Sulu lulan ng military aircraft, upang mailibing ayon sa Islamic traditions. Binigyan din syang pugay ng mga kasamahan na kumikilala sa kanyang katapangan. 

Kinikilala pa ng SOCO ng kapulisan ang katauhan ng nasawing rebelde. 

Ipinasiwalat sa lahat na residente sa lugar na tuloy-tuloy pa ang security operations ng PNP at AFP sa lugar dahil sa posibleng pagtatago ng iilang tauhan ni Nur Misuari sa naturang lugar.


No comments:

Post a Comment

Sponsor