Friday, February 1, 2013

Pulang Mandirigma o Manunula?

PULANG MANDIRIGMA. Sobrang proud ang nagpakilalang 'aktibista, journalist at manunula' na si Ericson Acosta sa larawan na ito na nakumpiska mula sa mga kagamitan ng mga bandidong NPA sa Samar. Si Acosta ay nahuli ng mga sundalo ng 34th Infantry Battalion sa liblib na lugar ng Bgy Bay-ang, San Jorge, Samar noong February 13, 2011.


Matagal na panahon na ring patago-tago sa bundok si Mr Ericson Acosta nang ito ay sumanib sa armadong grupong New People's Army. Isa sya sa marami-rami na ring nauto na armadong pakikibaka ang solusyon sa problema ng ating bansa.

Nakailang engkwentro na rin laban sa militar ang kanyang napagdaanan at tila ibang tula ata ang naisusulat nya habang nasa armadong grupo.

'Political prisoner' daw?

Hindi totoong si Acosta ay inaresto dahil sa kanyang paniniwalang political. 

Sa ating bansa, hindi makukulong ang kahit sino man dahil sa kanyang political beliefs, at ito ay maliwanag na nakasaad sa ating Constitution.

Kahit magsisigaw ka sa labas ng Kampo Aguinaldo o sa Malacanang na 'Mabuhay si Hitler' o 'Mabuhay si Joma Sison' o kaya ay 'Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas', hindi ka pwedeng arestuhin at ikulong. 

Kaya naman naaaresto at napapakulong ang mga komunistang umanib sa armadong grupo dahil sa mga krimen na kanilang ginagawa kagaya ng illegal possession of firearms and explosives, extortion, grave threats, ,murder, arson at sabotage.

Si Acosta ay nahuli ng militar sa bulubunduking bahagi ng San Jorge na me dala-dala pang granada at mga dokumentong gamit ng mga bandidong NPA. Dahil hindi sya lumaban, nirespeto ang kanyang karapatan at hinayaan syang mabuhay.

Alangan naman antayin pa ng militar na maitapon na ni Ericson yong granada sa kanyang target bago sya hulihin? 

Kung ako ang nasa kalagayan ng sundalo, huhulihin ko na rin sya agad at hindi hahayaang makagawa pa ng dagdag na krimen.
 
Maaaring merong mga kamalian sa procedures ng kanyang pagkahuli,  at ito ang ginamit ng lahat ng kaalyado ni Acosta para sya ay mapakawalan sa kulungan. 

Dyan sila magaling dahil todo suporta sila sa pagkakanlong sa kanilang miyembro na madakip ng government forces. 

Ganyan din naman nangyari sa kaso ni Melissa Roxas na hanggang ngayon ay ayaw amining nag-NPA sya kahit pa man sa lahat na lumabas na videos na nakumpiska mula sa mga NPA, na kung saan ay hindi nya maikailang sumanib na sya sa grupo ng mga bandido.

Nakakalungkot minsan na mga bandidong parating gustong pagpapatayin ang mga sundalo ay daming palusot para matakasan ang mga krimen kapag sila ay nasasabat ng militar at kapulisan. 

Samantala, kapag sundalo ang kanilang hinuhuli at kinikidnap ay wala ni isa sa mga nagpapakilalang 'human rights advocates' ang nag-iingay para respetuhin din ang karapatan ng aming mga tauhan. 

Nakakabingi nga ang  katahimikan ng mga 'human rights advocates' sa pamumugot ng ulo ng NPA sa kaawa-awang si Ely Oguis sa Albay, sa pagkidnap ng sundalo ng 10th ID sa Davao del Norte, ang pagbomba sa circus sa Paquibato district, at marami pang ibang kabulastugan.

Hindi ko na mabilang ang kanilang pinagpapatay na walang kalaban-laban kagaya ni Gino Olugar, Pedro Beguiras, Imelda Madrilejos, Marites Toldanes at marami pang iba sa Kabikolan. Inaamin na nga nila ang pagpatay dahil meron daw 'kasalanan  sa bayan' ang mga biktima.
 Idagdag mo pa yong pag-ambush at pagpatay ng 9 ka tao sa La Castellana, Negros Occidental kamakailan, na kung saan ay nasawi ang 8 na sibilyan! Thank you lang ba ang mga iyon?

Balikan ko uli si Ericson. Naaawa rin ako sa kanya kasi kaparehas din lang kami na nangangarap na maging maganda ang kinabukasan ng aming mga anak. 

Parehas kaming gusto na masunog na sana sa impyerno ang mga sakim at mga mala-buwayang walang pakialam sa kapakanan ng ating bayan. 

Ngunit, hindi kami parehas nang pinili nyang gamitin ang karahasan para isulong ang kanilang paniniwala. 

Kapag ginagamit kasi ang karahasan, merong masasaktan at ang mapait pa dito ay kapwa Pilipino ang nagiging biktima.


Mabuhay ka at welcome back!

Congratulations Kasamang Ericson Acosta dahil naisahan mo kami. Sana maging aral sa iyo ang iyong mga karanasan sa bundok at maliwanagan ka na pwede pa nating pagtulungang masolusyonan ang mga problema na hindi ginagamitan ng punglo at armas.

Ninanais ko pa rin na darating ang panahon na magkita tayo sa malamig na lugar at malayang pag-usapan ang mga kung ano mang hinaing, hinanakit at pati na ang mga pangarap natin para sa ating mahal na Pilipinas.

Sana ay hindi ka na magpaloko uli na bitbiting muli ang iyong M16 rifle na nasa larawan, magpalamok sa bundok at itaya ang iyong buhay sa walang kwentang pakikipagpatayan sa kapwa Pilipino. 

Makakaasa kang respetuhin namin ang desisyon ng DOJ sa naturang usapin at hayaan kang bumalik sa tamang landas.

Ipagdarasal ko rin ang mabilisang pag-galing ng iyong karamdaman at harinaway mas mahaba mo pang makapiling ang iyong mahal na anak.

Sana magsusulat ka na lang ng mas maraming nakakabagbag damdaming mga tula kapiling ang iyong mga mahal sa buhay.


No comments:

Post a Comment

Sponsor