Friday, November 2, 2012

Ang anting-anting ni Boloy: Tatlong Mahiwagang Krus



Pagka-gradweyt ni Private Boloy sa Candidate Soldier Course, agad-agad itong na-destino sa Sulu na kung saan ay napakarami ang mga bakbakan.

Pagkauwi nya sa bakasyon sa kanilang probinsya, minabuti nyang bisitahin ang kanyang Lolo Botyok na napabalitang marami ang agimat.

"Lolo, mapunta ako sa Sulu. Baka pwedeng maipamana mo sa akin ang iyong mga anting-anting". 

Inabot ni Lolo Botyok ang kanyang 'dala-dala' na nakatali sa kanyang ala-sinturon na suot-suot.

"Ito Apo, matindi itong anting-anting na ito. Kahit umulan ng bala at bomba nong panahon ng Hapon, nakaligtas ako, gamitin mo ito," sabi ni Lolo Botyok habang inaabot ang kanyang agimat na nakabalot sa pulang lalagyan.

"Basahin mo lang ang nakalagay sa tatlong krus na andyan sa ilalim at sigurado akong umabot ka ring 100 yrs old kagaya ko".

Simula noon, lagi-lagi nang suot ni Pvt Boloy ang kanyang agimat. Malaki ang tiwala nya na gagana ito lalo na kapag merong bakbakan.

Isang araw, napasabak sa engkwentro laban sa mga Abu Sayyaf si Pvt Boloy at ang kanyang mga kasamahan.

Sa dami ng humaging na bala, naalala nya ang anting-anting ng kanyang Lolo.

Agad nya itong hinablot sa kanyang sinturon at binuksan habang nakatago sa likod ng niyog. 

Binasa nya ang nakalagay na oracion sa tatlong krus:


Tumalima ka sa aking kautusan. 

Tumakbo ka!

Tago sa malaking bato!


Pagkatapos ng maraming taon sa serbisyo, naka-retire nang mabuti si Msg Boloy at mukhang aabot ding sobra 100 taong gulang.

2 comments:

Sponsor