Monday, September 3, 2012

Army Hooooooah!


 Nang nakasama ko sa pagsasanay ang mga sundalong Kano, napapagaya na rin ako sa kanilang pagsasabing 'Hooooah!'. 


Kalimitan na naririnig o nababasa sa mga articles tungkol sa mga Army soldiers ay ang katagang 'hoooah'. 

Noong ako ay bata pa, ginagamit itong kaparehong kataga kapag kami ay nag-aararo. 

Sa mga Bisaya, sinasabi ng nakasakaya sa kabayo o kalabaw ang command na 'huwah' kapag pinapahinto ang pagtakbo o paglakad ng sinasakyang hayop. 

Noong nag-aral ako sa US Infantry School, panay hooooah na lang naririnig ko sa mga Kanong sundalo pag sila ay nag-uusap at maging sa aming classroom. 

"We will go on a 20-kilometer ruck march with full combat gear tomorrow at 0400H," sabi ng maskuladong Physical Training officer namin. 

Sabi ko: "Yes Sergeant!"

Chorus ng mas nakakaraming Kano ay : "Hooooooah! Sarge!"

Nilingon ko ang classmate kong Arabo at Mexican. Nakatunganga lang at patango-tango gaya ko.

Nang aking inusisa, ganito pala ibig sabihin non. Heard, Understood, Acknowledged (HUA).

Ang ibig sabihin, tuwing makarinig ng instruction sa officer o NCO, ang isagot ay 'hooooah!'.  

Nasanay na rin ako sa katagalan na kasama ko ang mga kaibigang Kano. Sa isang training sa Arizona, tuwing i-challenge ako kung tumama ako sa 1,000 meters, buong yabang kong sinasagot ng 'Hoooooah!'. Buti na lang kumpirmado tuwing sinisiyasat ang target. 

Pwede rin itong ipang-tanong na ang ibig sabihin ay "naintindihan mo ba?", kagaya ng pagsabing, "Boloy, you will lead the assault, hooah?". 

Kalimitan ay positibong sagot ang ibig sabihin nito.

Dahil kanya-kanyang 'style na bulok', syempre ayaw magkopyahan ang Army at Navy, lalo na ang Marines na ang katumbas sa katagang ito ay 'Ohh rah!' or 'Hurrah!'. 

Ewan lang sa Air Force kung meron silang bersiyon nito. Sa biruan ng mga sundalong Kano, ang katumbas nito sa mga flyboys ay "Foooooore!" dahil sila diumano ay madalas maglaro ng golf.

1 comment:

  1. meron pa sir katumbas yung terminong "hooah" na negative ang connotation. katumbas ng "moto."(motivation) ng usmc. pag sinabing "too hooah" or "too moto." ang isang tao...alam mo na yun, sir.hehe. karaniwang ginagamit ng mga junior enlisted para i-describe ang kanilang mga SNCO tapos mga officers.

    ReplyDelete

Sponsor