Friday, November 18, 2011

Low Tech, Long Distance Love Affair

Nong early 90's, hindi uso ang cellphones at internet. Dahil nasa malalayong sulok sa Pilipinas ang mga sundalo, ang military radio ang kanilang line of communication sa kanilang mga kapamilya.

Ang URC 187 UHF radio ang paborito ng lahat. Nakokopya ang signal nito kahit nasa China ka pa nakadestino. Lagi ngang naririnig ng mga sundalo ang mga Intsik at mga Malayo na nag-uusap.

Minsan ay nakakatawa ang mga dayalogo ng mga nag-uusap. Napipilitan kasi silang taasan ang boses para magkarinigan.

Depende sa mood at sitwasyon ang maririnig.

1. Naglalambingan:

   Sergeant Boloy: Lab, kumusta na kayong lahat dyan, over?
   Misis:      Ok lang naman kami dito pero di pa dumating ang sweldo mo, over!
   Sergeant: Darating na yan kasi na-release na raw galing finance, over!
    Misis:     Ahhh ok, sige mangutang muna ako dito. Pero, Lab, na-mimiss na kita, over!!
    Sergeant Boloy:  I miss you too! Pag me C-130, uuwi ako dyan over!

2.  Nag-aaway:

   Misis: Boloy, ano yong sinabi ni First Sergeant na meron ka raw chicks dyan sa kampo ha!!!! overrrrrrr!!!
   Sergeant Boloy: Hindi ahhh, di totoo yon! Ikaw lang ang mahal ko, overrrrrrr! (humina ang signal ng radio dahil pangit ang weather)
   Misis: Ano yon pinagsasabi mo? Ikalawa na yan na mahal mo???? overrrrrrrrr! (galit na)
   Sergeant Boloy: Lab, teka lipat bahay (change frequency) tayo malabo ang signal!!! over!!!
   Misis:  Ano? Bakit ka lilipat ng bahay??? Bruho ka! P..$$@!*&  ka!  overrrrrrrrrrrr! (lalong galit)

No comments:

Post a Comment

Sponsor