Thursday, October 24, 2013

Ang 7-Eleven sa Amerika


 Sa Amerika, ang parang walang katapusan ang haba ng kalsada at kalimitan ay nauubusan ako ng gasolina.

Di ko alam nasaan ang gasolinahan. Buti kung Pilipinas at merong Shell, Petron o Caltex. Minsan meron din yong naka-bote sa tabi-tabi. 

Nilapitan ko si Ate na nasa gilid ng kalsada naglalakad.

"Hi, can I ask where the fuel station is?"

Mabait si Ate at agad naman sumagot. 

"The nearest is 7-Eleven and it is about 3 miles from heyyhhh (here) in one of the exits. It is a maze of roads so bettehh (better) use your G-P-S," sabi ni Ate sabay tumalikod na ayaw na akong kausapin. 

 Inis ako kay Ateng may pagka-isnabera kaya Tinagalog ko na. Nagpabango naman ako ah.

"Gasolinahan ang hanap ko uy, hindi  convenient store! Di mo ba get's yon!

Walang magawa, ipinagpatuloy ko ang mag-drive at palingon-lingong maghanap ng gasolinahan sa gilid ng freeway.







Agaw dilim na nang nakita ko ang pamilyar na kulay na ito. Ano yon?

"Damuho yan, tama si Ate!"

Welcome to 7-Eleven fuel station! 

It is more fun in America! (Sowee Ate!)



2 comments:

  1. Walang ganyan dito sa pinas sir. (gamit ang tonong walang ganyan sa steyts) hahahahahah

    ReplyDelete
  2. hahaha sir ganyan pala sa U.S, convenient store gasoline station in one...

    ReplyDelete

Sponsor