'SEARCH AND DESTROY' mission ang isinakatuparan ng Army sa lalawigan ng Sulu noong taong 2000 sa layuning hanapin at puksain ang hanay ng Abu Sayyaf Group na nagkidnap sa mga turista sa Sipadan Malaysia at pati sa grupo ng Jesus Miracle Crusade na nagtungo sa kanilang kuta. (Army photo)
(Karugtong ng kabanata sa http://rangercabunzky.blogspot.com/2013/08/go-on-rangers-forced-march.html)
LANAO DAKULA, Indanan, Sulu----Sa wakas, nakatikim na rin ng 'baptism of fire' ang aking mga bagitong mandirigma pagkatapos ng halos isang oras na bakbakan laban sa mga bandidong Abu Sayyaf sa barangay na ito bago magtakip-silim ng ika-20 ng Setyembre taong 2000.
Dahil ang desisyon ay manatili kami sa encounter site, ipinag-utos ko sa lahat ng mga Team Leaders ang pag-gawa ng individual fighting positions. Nagamit na rin ang foldable combat shovels na ipinabili ko sa bawat teams. Di nila alam na very useful talaga yon. Akala ng iba, panghukay lang yon sa lupa kapag magbawas o yong pinagandang 'call of nature'.
Inusisa kong mabuti ang mapa at minarkahan ko ang lahat na posisyon ng mga tropa. Ito ay sumusunod sa tinaguriang 'all around security'. Inaaral ang mga posibleng avenues of approach ng kalaban at nilalagyan ito ng markers para sa mga operator ng M60 Machinegun para madali nila itong matumbok kahit sobrang madilim.
Naglagay din kami ng target reference points (TRPs) para sa mortar fire sakaling merong magpapasaway na umatake sa amin. Ang TRP ay mga identifiable terrain features na nakikita sa paligid at ito naman ay madaling matukoy sa military map na aming dala. Inaaral namin ang safe distance na pwedeng patakan ng mortar base. Kapag 81mm HE round, at least 35m ang paikot sa pinatakan ng bala ang aabutin ng shrapnel kaya minabuti namin palagi na hindi masyado dikit ang TRPs sa 'friendly positions'.Halos lahat kami ay hindi nakatulog sa gabi na iyon. Ipinag-utos ko na buddy system ang gwardya bawat team.
Ewan ko lang bakit tila lahat ay gusto mag-gwardya. Gising na gising ang lahat. Malay mo naman kasi gapangin kami ng mga juramentado!
Ang juramentado ay ang Tausug warrior na sumusugod sa sundalo na tila walang pakialam kung mamamatay na sya. Sa isang Muslim na mandirigma, tinagurian nila itong isang mujahid at me magandang pwesto sa langit kapag nagbuwis ng buhay para sa Diyos at sa kanyang ipinaglalaban.
Una itong napansin ng mga Amerikano noong early 1900s nang inokupa nila ang Jolo pagkatapos na bilhin sa halagang 20 million dollars ang teritoryong tinatawag na Las Islas Filipinas ng mga Kastila.
Ang rumaragasang mandirigmang Tausug ay nakakapatay ng mga Amerikano na noon ay gumagamit ng Cal .38 na armas at hindi nila napapatumba agad ang mga kaaway. Dahil dito, inimbento nila ang M1911 Cal 45 Pistol. Proud ang mga Tausug dahil dito sa nakatala sa kasaysayan.
Ang rumaragasang mandirigmang Tausug ay nakakapatay ng mga Amerikano na noon ay gumagamit ng Cal .38 na armas at hindi nila napapatumba agad ang mga kaaway. Dahil dito, inimbento nila ang M1911 Cal 45 Pistol. Proud ang mga Tausug dahil dito sa nakatala sa kasaysayan.
Sa awa ng Diyos, behave naman ang mga Abu Sayyaf pagkatapos namin silang paulanan ng shrapnel ng mortar at paulanan ng samo't-saring kalibre ng punglo.
Kayakap ko ang aking AUG Steyr habang nakasandal sa aking combat pack. Nanginginig ako sa ginaw pero isinuot kong muli ang aking pantalon kahit basa ito. Salamat sa aking katago-tagong tuyong sweater at malong, mainit-init ang upper body ko habang nagmumuni-muni habang pinapakinggan ang mga tunog ng kuliglig. Huminto na ang ulan noong gabi kaya dinig na dinig ko na rin pati ang nakakainis na niknik na sumusuot sa damit pati sa aking bonnet para tikman ang Type A kong dugo. Naiinis ako sa bolatik na gumawa ng Off Lotion na insect repellent kasi sabi ay '8 hours worry-free' daw sa mga insekto. Sa insektong taga Jolo, mukhang 3 oras lang ang epekto. Ganon sila kabangis.
Paminsan-minsan, tumatayo ako at sinisilip ang mga pwesto ng aking tropa. Natutuwa ako kapag alerto at talagang memorized ang 'Challenge' at 'Papa Whiskey'. Sa SOP kasi namin, pag i-challenge ng gwardya, kapag di makasagot ng tama, baril na ang kakausap sayo.
Mga mag-alas tres na ata noon nang ako ay makatulog. Minsan-minsan, nagigising ako kapag merong mga nalalaglag na sanga o kaya niyog. Hirap na maisahan.
Dakong alas-sais kinaumagahan, ginising ako ni Pvt Hermano na syang 'kaldero 6' ng kanyang team. 'Ninakaw' na pala nya ang aking canteen cup at nilagyan ng mainit na kape.
"Good morning Sir! Ito na ang iyong kape."
Snappy si Hermano na tubong Nueva Ecija. Smiling sya lagi. Maswerte sya dahil mag-isang taon pa lang sa serbisyo, nakatikim na ng tunay na bakbakan, samantalang maraming mga sundalo inaamag na ang mga paa sa garrison, hanggang kwento na lang ng 'imaginary' combat actions.
"Thank you Adel. Pakitawag ang Platoon Sergeant at lahat na mga Team Leaders."
Nagpa-plano kami ng aming gagawing tracking operations pagsapit ng alas siyete ng umaga nang marinig ko ang feedback ng aking Platoon Sergeant:
"Sir, me problema tayo. Si Ranger P, nagbibilang ng bituin sa langit!"
"Whaaaaaaaaaaat? Umaga na ngayon!Wala nang bituin!"
Tulala na si Ranger P. Isa sya sa mga 'parada warriors' mula Army Headquarters.
Agad kong pinuntahan ang kanilang pwesto para makita ko mismo ang kanyang kalagayan.
Blangkong titig ang sumalubong sa akin. Nakakausap pa naman pero malabolix na sa aking assessment. Kung anu-ano na ang sinasagot at takot ang nananaig.
"Unang salvo pa lang yong bakbakan natin Toto. Wala pa tayong isang linggo dito at marami pang darating na mga umaatikabong aksyon. Akala ko ba ay pakitaan mo ako ayon sa iyong tikal doon sa Bulacan?"
Sa nakikinita ko, malaking problema kung isama ko pa sya sa mga susunod na patrols. Kailangang pagpahingahin na agad kasi palatandaan na iyon ng combat stress.
Mahirap na kung tuluyang mawala sa sarili at ratratin kami. Pinadis-armahan ko agad sya.
"Relax ka lang, sa armored vehicle ka sumakay papunta ng Busbus at yong Cal 50 gunner ang magtanggol sayo kung ambusin kayo pauwi."
Sinamahan ko sya sa sasakyan para i-send off.
"Magbakasyon ka ng 21 days. Magliwaliw ka muna. Gumala sa syudad. Kumain ng masasarap na isda. Bisitahin ang pamilya. Tandaan mo, 21 days lang ang pribilehiyo mong umuwi."
Hinatid ko sya ng tanaw habang papalayo ang armored vehicles na sumundo sa kanya. Napabulong ako ng dasal:
"Harinawa'y maka-recover ka. At, sana ay huwag kang mag-AWOL."
(Ipagpatuloy)
Sir Harold,
ReplyDeleteKinukolekta ko ang mga blogs mo. Pwedeng-pwede kasing isa-libro at sa tingin ko ay tiyak bebenta. Kung hindi man, at least recorded history na ang mga naging karanasan mo at pwede mong ipaman sa susunod na henerasyon ng lahi mo ang mga kwento ng buhay mo sa serbisyo. I am a writer and I think you are gifted in writing. Ang bentahe kasi ng mga sinusulat mo ay humorous kaya kahit patayan at katayan ang tema ng kwento, the readers get amused while experiencing the horror. Pwede sigurong pondohan ng OCR ang printing. Tiyak kakagatin nila ang isang proyektong mag-aangat sa imahe ng ating kasundaluhan. If you will dignify my offer, I would like to be your writer/editor. If you are interested, please feel free to e-mail me at ciquinones@yahoo.com at your earliest convenience.-- Mr. Joceph
Harold,
ReplyDeleteI am impressed the way you brought to the world to read about the struggles of our Brothers in Arms! I was born and raised in Mindanao and I know how much we longed for an everlasting peace.. Your article 'bout the skirmish in Lanao Dakula, Indanan Sulu, is a testament of how volatile the situation in that region. Our military has the WILL to fight for PEACE, but the enemy's has the ways to RUN and hide and does not engaged in an open combat.
The measure of success by our military operations can only be achieved by complete eradications of the so called Armed rebels. Sulu, for example, can be put to rest by declaration of state of emergency and educating the public of the ensuing policy of peace by complete dismantling of the rebel factions, therefore maintaining peace and order. Our brothers and sisters suffered long and hard through the years and many perished and more to follow if we the people of Mindanao could not come to terms by allowing PEACE for the sake of the next generations to enjoy!!
Three Pillars for Peace: 1. SECURITY for ALL the PEOPLE 2. HEALTH and COMFORT 3. EDUCATION
You got to have a model to build the foundations. Everything in life must have a starting point.
The problem is already present, and will continue to exist like a disease that needs a good medicine. We must protect the flesh or there will be more carnage in the days and weeks and months and years and maybe decades. So what it will be? EMERY O. ODANGO
sir, ang ganda ng mga kwento mo, minsan napapatawa ako sa mga pangyayayari na sinasalaysay mo. pwd yang gawing libro sir ikanga sabi sa isang nagcomment sir. sana ung mga lagi kau at ung tropa nyo patnubayan lagi ng Maykapal. regards n lng po sa mga cls 28-95 s tanay rizal from Air force mactan
ReplyDeleteyou're a good writer and storyteller,Sir gawin mo nga ng book ,i admire you so much ,,,sarap basahin lahat na sulat mo thanks for your great Blog! be safe always Godbless AFP.
ReplyDeletesir kailan po ang continuation nito
ReplyDeleteThe Best talaga ang mga Scout Rangers natin!!! Proud to be a Filipino!=)
ReplyDeleteang gandang basahin ng mga sinulat mo sir..
ReplyDeleteI salute you all sir.. isa na dyan si Oruzco,, ibig q rin sanang magiging isa sa inyu.. baka pwede mo akung matulungan sir.. eto account ko sa facebook sir.. onadh_omar@yahoo.com.. "God Bless Armed Forces" MABUHAY!!!
ReplyDelete