Friday, March 22, 2013

Ang mosquito net ni Sgt Boloy




Dahil sa dami ng lamok sa kanyang detachment sa Sultan sa Barongis, Maguindanao, nagpasya si Sgt Boloy na bumili sa mga naglalako ng tinda sa bayan ng Tacurong, Sultan Kudarat. 

Don nya nakilala ang Maranao trader na si Amilodin na nagtitinda ng surplus military supplies.

Sgt Boloy: Aki (pare), pabili naman ng mosquito net!

Amilodin:  Uki Sards, mirun aku ditu galing pa to sa Iraq, gamit ito ng mga Kanu! Garantid, di mapasuk ng lamuk!

Sgt Boloy: Ganon? Sigurado ba yan at bibilhin ko na talaga basta di mapasok ng lamok kasi kakatakot ang malarya!

Amilodin:  Sards, pwidi mu ibalik basta hindi maganda at napapasuk ng lamuk! Tu handrid na lang yan!

Sgt Boloy: Oki tenk yu! Ito na ang bayad!

Pag-uwi ni Sgt Boloy, agad nyang ginamit ang kanyang mosquito net sa kanyang kampo. Ipinagmamalaki rin nya ito sa mga kasamahan kaya nainggit sila kasi pinagpipyestahan sila ng lamok ng Liguasan marsh. 

Kinaumagahan, nakita ni Sgt Boloy ang sobra sampung lamok na nasa loob ng mosquito net at busog na busog sa kanyang dugo lahat. Nainis sya at nagpasyang ibalik ang nabiling mosquito net.

Sgt Boloy: Aki, niloko mo ko! Ibalik ko tong binenta mong mosquito net!

Amilodin: At bakit naman Sards, sa ganda nyan ibalik mu pa!

Sgt Boloy: Eh kasi pag-gising ko kaninang umaga, nakapasok naman pala ang lamok at kinagat ako habang natutulog sa loob! Walang kwenta ito kaya ibalik ko na!

Amilodin: Na, na na! Sards, nagtataka ka pa bang makapasuk ang lamuk? Ikaw nga ang laki-laki mu nakapasuk ka rin dun sa loob! Nurmal lang yun!





No comments:

Post a Comment

Sponsor