Monday, February 25, 2013

'Babaerong sundalo'


Napakarami ang nagkokomento na babaero ang mga sundalo. 

Ika nga raw, kapag Navy ay "Every port, report!"; sa Army ay "Every place, replace!" at sa Air Force ay "Every landing, new darling!".

Sa dami ng kaso na nakapila sa Personnel Office at mga reklamo sa Army Provost Marshal tungkol sa 'pambabae' diumano ng sundalo, ito ay isang hayag na katotohanan na meron ngang babaerong sundalo.

Pero, unfair naman na lahatin ang buong Sandatahang Lakas. Merong ibang lalaking sundalo, nanlalake rin. Joke!

Batid din natin na hindi lamang sa Armed Forces of the Philippines merong babaero. Talamak ata ito sa kahit saang sector ng ating bansa. 

Kapag me organisasyon na tawaging KBP (Kalipunan ng mga Babaero sa Pilipinas), marami rin itong miyembro sa lahat ng sektor kasama na ang Pari, Imam, guro, inhinyero, doktor, salesman, cellphone repair man, piloto, seaman, OFW at mga nasa gobyerno kagaya ng governor, congressman, senador, Cabinet Secretary at marami pang iba. 

Sa AFP, marami na ang na-discharge na enlisted personnel dahil sa mga kaso na ito ngunit mas marami ang nadaan sa amicable settlement. Mas ginugusto ng complainant na mabigyan na lamang ng suporta ang kanilang anak kaysa isulong ang reklamo na maging dahilan na talunan silang lahat dahil wala nang sweldo kung ma-discharge ang sundalo. 

'Sundalong babaero'

General impression ay 'babaero' kapag sundalo. Eh, bakit kasi maraming babaeng nagpapabola sa mga matatamis na salita ng sundalo? Ika nga, binola lang, 'laglag agad ang panty'. 

Mga girls, ingat sa tirada ng sundalong mahilig mambola sa girls. Gagamitan ka ng matatamis na salita kagaya ng: "Basta nga rabii, sika ti ipinipitpitek ti pusok", o kaya ay ang short lines na "Padangat kita!", "Ay ayaten ka!", "Gihigugma ko ikaw", "Quere yo contigo" at marami pang iba. 

Mag-promise din yang ibang mga timang na bolero na pakakasalan ka kahit saang simbahan "except don sa hometown nya!". 
 
Beware sa ganitong boladas ng mga naka-camouflage at matipunong sundalo. Sabi pa nga, "Higpitan ang panty" para di malaglag sa mga damuhong bolero!.

Kapag nagpakilalang binata, itanong mo ito sa kanyang First Sergeant at Commanding Officer. Huwag tanggaping 'hook line and sinker' ang kanyang sinabi na 'binata' pa sya eh binat na pala yan! (Para sa akin, nakapaka-gago ng opisyal at NCO na pagtakpan ang kanyang tao at makisawsaw pa para magsinungaling nang makapambabae ang kanyang sundalo.)

Minsan kasi, ginagamitan ng 'half-truth' at nakakainis na reasoning ang word na 'binata'.Sabi nong isang boloy na tao ko, "Sir, kapag 1 kilometer away ako sa misis ko, single na ako!"

Command responsibility

Nang ako ay Company Commander, ginawa ko ang lahat ng paraan para mawala o mabawasan ang pambabae ng mga tao ko dahil responsibilidad ko na sila ay pangalagaan pati ang kanilang mga kapamilya.

Maliban sa mga paalala sa mga directives ng Army tungkol sa womanizing at immorality (passive measures), gumagawa ako ng diskarte para mapanatiling naglalagablab ang relasyon ng aking mga sundalo at ng kanilang mga asawa. 

Unang-una, sinisigurado ko na sila ay makauwi at least 3 times sa isang taon kahit kami ay nasa battlefield ng Basilan at Sulu noong araw. Naka-schedule ang uwi nila ayon sa kanilang kahandaan financially. 

Closely monitored ko rin kung napapadalhan ng pera ang mga kapamilya. Di ko hinahayaan ang walang kwentang loans pambili ng appliances at yong pagsusugal na nakakaubos ng kanilang pera. Lagi ko silang encouraged na mag-save para sa kanilang Rest and Recreation at para sa future expenses ng pamilya.

Meron din kaming unit cellphone na pwedeng matawagan ng mga kapamilya para kumustahin ang kanilang mister.

Maliban pa dyan, sinusulatan ko ang mga misis o kaya ang mga magulang para walang lusot ang sundalo ko maliban pa sa maipaabot ko sa mga kapamilya ang aking pasasalamat sa serbisyo ng kanilang 'baket' o 'bana'. 

Dahil dito, natatanggap ko kung merong mga mister na hindi pala umuuwi o yong kulang ang pinapadalang pera. Basta para sa pamilya, kakutsaba ko ang misis dahil ayaw kong sila ang kawawa lalo na kapag kinukulang o nawawala ang suporta sa kanila. 

Sa kampo naman, hindi ko pinapayagang me dinadalang girls sa kanilang mga 'bunkers'. Di ko na idinaan sa mga 'relihiyosong turo' ngunit sa pamahiin na kinamumulatan at pinaniniwalaan ng karamihan.

Napakasimple ang reminder ko sa aking mga tao:

"Wag na wag kayong magdala ng babae dito sa kampo dahil mamalasin tayo. Mamatayan tayo dahil dyan. Kung nais nyong mamatayan, sige subukan nyo. At, kapag mahuli ko kayo tiyak na malilintikan kayo sa akin!" (Sa awa ng nag-iisang Diyos, wala ni isang sundalo sa aking hanay ang nalagas kahit sa dami ng bakbakan na kanilang napagdaanan)

Kaya, kung merong "babaerong" mga sundalo, kasama sa me pananagutan kahit papaano ang kanilang mga senior NCO leaders at opisyal.

Kung hindi ito pinapabayaan, tiyak ay mabawasan naman itong ganitong sitwasyon na merong umiiyak o nagmumura dahil binola sila ng mga pekeng binatang sundalo.









5 comments:

  1. Ang galing sir. Minsan ay ginagawang pain (bait) ng mga kalaban ang babae o di kaya ay espiya. Magandang halimbawa yung tropa ninyo. Mabuhay kayo!

    ReplyDelete
  2. Wow ok naman sir keep it up..hopefully tularan kau ng mga kabaro nyo..Godbless po and take care

    ReplyDelete
  3. ako sir..mkpghwalay daw cia kc d q daw naintndhan ung pgbbgay pera sa mgulang nia ht aq ung asawa nia.nag lo loan cia Ng dq lam .at d cia ngssbi Ng totoo skin.natatakot aq ngaun dhil d pa kmi kasal pro ngsasama kmi.Anu po pwd kng gawin ung e cut off nia ang atm at iwan ako?May panlaban ba ako sa knya sir kht d kmi kasal?

    ReplyDelete
  4. Ar-ar, para may panlaban ka, dapat pakasalan ka nya. Alamin mo rin at baka me asawa yan, lalo kang talo.

    Kapag me anak kayo, me karapatan sa suporta ang inyong anak dahil naaayon ito sa batas (Family Code).

    ReplyDelete
  5. hay nku sir,ang bf q ay opisyal nsa mindanao ngaun,.pnyagan nya ung tropa nya n magdla ng babae kc nanlalalake dw,glng sulu ung bbae,ewn q,sna d nlng xa pumyag,pngt n hlmbwa.

    ReplyDelete

Sponsor