Pagkatapos ng aming chow SOP sa kasukalan, ipinagpatuloy ng 1st Scout Ranger Battalion ang paghahagilap sa mga bandidong pumatay sa isang sundalo ng 33rd Infantry Battalion.
Bilang nasa leading elements, tila ay kinikiliti ako tuwing merong kaluskos na maririnig. Para mas kontrolado ko ang movement ng aking patrol, ako ay pumu-posisyon sa likuran ni Cpl Rodel Bonifacio, ang Team Leader ng leading team. Sa ganong paraan, 'hinihila' ko ang lahat ng aking patrol members na sumunod sa akin gamit ang prinsipyo ng Rangers na "Follow Me!".
Dakong 1:00 pm, natunton namin ang pinuntahang lugar ng mga Abu Sayyaf sa Bgy Baunuh, Patikul, Sulu. Marami pa rin ang mga patak ng dugo pati ang mga damit na pinagpunasan ng dugo. Dahil medyo basa ang lupa, kitang-kita ang mga bakas nila.
Dahil pababa ang lugar na aming pupuntahan, nilagyan namin ng pagitan na 50 meters ang bawat yunit upang hindi masyado maingay.
Dahil pababa ang lugar na aming pupuntahan, nilagyan namin ng pagitan na 50 meters ang bawat yunit upang hindi masyado maingay.
Nang lumabas kami sa kasukalan, nakita namin ang nag-iisang bahay na nasa gilid ng daan. Nagsensyas ang aking Team Leader ng 'stand to' para pakinggan namin ang kapaligiran. Inaamoy namin kung me naninigarilyo, pinapakinggang mabuti kung may nagbobolahan o merong inuubo o napapahatsing.
Pagkatapos ng iilang minuto, wala kaming narinig ngunit mas naririnig ko ang lagabog ng aking dibdib na tila ay babala sa panganib. Teka, me alaga ba akong daga sa dibdib?
"Move by team, bounding overwatch. Maiwan muna ang isang team na may snipers sa high ground para bigyan kami ng suporta sa harapan," sabi ko sa aking tatlong Team Leaders.
Excited na ako. Gusto kong kami makauna at makalamang. Sa ganitong trabaho, matira ang mga 'maro-maro' sa diskarte ng pakikidigma.
Dahil kabisado ng kalaban ang terrain, dapat gumagana ang diskarte paano ito ma-counter sa pamamagitan ng pagbasa sa sitwasyon. METTT-C considerations ika nga.
Kasama ang leading team, inusisa kong mabuti ang mga apak. Diretso pa rin itong pababa ngunit nahati sa dalawang grupo.
Nagtataka ako kung bakit sila naghiwalay. Sa aming kanan, merong masukal na bahagi na tila kapantay sa aming kinaroonan ang level ng elevation ng terrain.
Agad kong tinawag ang isang team para mag-skirmishers formation paharap sa naturang kasukalan at obserbahan ito.
Pinalipat ko ang aking snipers sa harapang bahagi upang manmanan ang lower grounds, habang dumudugtong ang 3 teams ang 1st Scout Ranger Company sa aking likuran.
"Mistah, bantayan mo itong high ground para babain ko itong kabilang bahay na nasa paanan ng bundok," sabi ko sa C.O. ng 1st SRC na si Lt Sales.
Ni-reposition ko ang aking tropa upang dahan-dahaning gapangin ang kabilang bahay mga 100 metro ang layo.

Ni-record ko ang GPS reading: Grid Coordinates 92616952. Itinawag ko ito sa S3 upang agarang maibato sa TCP ang latest location at ang aming disposition.
Inu-usyoso namin yong bahay nang nakarinig ako ng lagapak na tunog. "Kraaaaaaaaak!" Nalungkot ako at di ko maitago ang pagkadismaya dahil sa carelessness ng isa sa aking tropa.
Inu-usyoso namin yong bahay nang nakarinig ako ng lagapak na tunog. "Kraaaaaaaaak!" Nalungkot ako at di ko maitago ang pagkadismaya dahil sa carelessness ng isa sa aking tropa.
"Ay damuhong sanamagan! Merong nakaapak ng patay na sanga. Compromised tayo nito!"
Inis at kaba ang aking naramdaman. Alam kong batid na ng mga bandido ang aming presensya.
Nagbigay ako ng hand signal na skirmishers in line paharap sa bahay sa ibaba, sa likod ng kasukalan. Gumapang ako palapit sa aking tropang me hawak ng binoculars.
"Sir, merong mga duyan ang camouflaged combat packs pero walang taong nakikita. Maraming nakasabit na mga damit at mga bandana," bulong nya sa akin.

Nais kong manigurado kung sino ang nasa ibaba. Kinuha ko ang binocular at sinilip ko mismo ang bahay. Nakita ko ang combat packs at ang kaffiyeh (ang bandanang pinasikat ng yumaong si Palestinian leader Yasir Arafat) na kulay pula.
"Fifty-fifty pa ako kung kalaban yan. Mas maiging lapitan natin, gun ready. Sama ako sa mag-clear ng bahay," sabi ko kay Sgt Bonifacio.
Iniwan ko ang isang team para bantayan ang likuran at kasama ako sa dalawang team na gumapang sa bahay. Alam kong anytime, magkakapalitan ng putok. Inaaninag ko ang loob kung merong tao. Mahigpit kong ipinagbawal ang pagratrat sa bahay para maiwasan ang collateral damage.
Bog! Bog! Bog! Di ko mapigilan ang puso ko sa pagpintig ng mabilis at tila gustong umalpas sa aking dibdib. Pinindot ko ang safety lock ang aking baril at naka-high ready position, nakatutok sa bahay.
Sa aking likuran, naririnig ko ang malalim na hininga ng aking RATELO. Tensed kami lahat. Nakita kong nakataas ang kaliwang kamay ng Team Leader at pinakita ang signal ng "Freeze".
Stop.....Look....Listen....Smell.......Naririnig namin ang sipol ng hangin at ang nagbabanggaang mga sanga. Tahimik na tahimik. Walang tao.
"First team, clear the house. Second team and 3rd team, overwatch," utos ko sa aking mga unit leaders.

"Walang tao sir, panay combat packs ng 33rd Infantry Battalion andito 2pcs at may mga pagkain na andito nakasaing pa," bulong ni Pfc Alindajao sa akin.
Sinilip ko ang kusina at nagulantang ako sa aking nakita. Marami ang nakasaing na nilagang saging. Sa likurang bahagi ng bahay, nakumpiska ng tropa ang 4 na bala ng 57mm Recoilless rifle.
"Sir, nakaalis na sila dito pero iilang minuto pa lang. Baka nasa paligid lang ang mga mokong na ito," report ko kay Cpt Guerrero.
"Palitan tayong bumaba at palitan din tayong magbantay sa high ground na kinalagyan ng 1st SRC kasi kitang-kita mula dyan ang lower grounds. Pakisabi sa 33rd IB na andito ang ibang gamit nila," dagdag na bilin ko.
Pagkatapos kong mag-coordinate kay Lt Sales sa aking aksyon, nagbigay ako ng isa pang FRAGO (pagbabago ng mga operational instructions) sa aking mga Team Leaders.
"Ingat tayo sa ambush. Move by bounds, increase ang distance between elements. Mabilis dapat ang kilos."
Dahan-dahan na kaming lumakad pababa habang sinusundan ang mga napaka-preskong apak ng mga bandido. Nang nahati ang mga apak sa dalawang bahagi, nakita kong huminto ang aming Lead Scout na si Pfc Rolly Alindajao.
"Sir, saan mo gustong dumaan? Kanan or kaliwa?"
"Sir, saan mo gustong dumaan? Kanan or kaliwa?"
Nakita kong mas marami ang apak sa kaliwa, at ito ay papunta sa kasukalan. Nasilip ko ang sementong tapahan mga 100 metro ang layo, ito ay nasa gilid mismo ng trail. Kumalabog lalo ang dibdib ko.
Alam kong nasa sukalan ang mga bandido. Ayaw kong maratrat na walang kalaban-laban.
"Ganito ang gawin natin. Pagdating dyan sa puno ng niyog, bigla mong takbuhin yang kabilang high ground at agad mag skirmishers kaharap sa direction ng tapahan. Go!"
Mabilis pa sa kidlat naming tinakbo ang humigit kumulang sa 50 metro paakyat sa kabilang dako na mas mataas ang level ng elevation.
Tahimik pa rin ang paligid. Nang nakumpleto na ang tatlo kong Teams sa aking location, itinawag ko ito kay Lt Sales.
Tahimik pa rin ang paligid. Nang nakumpleto na ang tatlo kong Teams sa aking location, itinawag ko ito kay Lt Sales.
"Bok, sundan mo ko kumanan ka sa direction ng creek na may malaking patay na puno. Nasa taas kami, naka-all round security," sabi ko sa kanya.
Di kalaunan nakita ko na nakadugtong na si Lt Sales at ang kanyang mga tauhan. Tinawagan naman namin si Cpt Guerrero na dumugtong na sa amin kasama ang Bn Hqs elements.
Di kalaunan nakita ko na nakadugtong na si Lt Sales at ang kanyang mga tauhan. Tinawagan naman namin si Cpt Guerrero na dumugtong na sa amin kasama ang Bn Hqs elements.
Hello 'Bagay'
Habang nagbabantay sa high ground ang 19th Scout Ranger Company na pinamunuan ni Lt Clifford Cordova, sabay na bumaba ang tropa ng Bn Hqs, kasunod ang 12th SRC at ang 14th SRC.
Nang nakalampas si Cpt Guerrero sa pinaghatian ng trail, biglang merong naglabasan na mga armadong kalalakihan na nakasuot ng Army camouflaged uniform.
Si Sgt Landagura na nasa bandang hulihan ng Bn Hqs elements ang unang nakakita. Sa akalang ito ay mga CAFGU, kinawayan nya ang mga ito at bumati pa sa salitang Tausug: "Owahhh. Bagay!" (Hello, Friend!)
Kumaway din ang mga armado at nakababa lang ang mga baril na tila ay di rin mapakali ano ang gagawin.
Sa likurang bahagi naman mga 20 metro ang layo ay nakabantay ang mga tropa ng 12th SRC at 14th SRC.

Ang aking estudyante sa Tactical Sniper training sa Basilan na si Pfc Joel Germono ay nanonood sa pakikipagkawayan ni Sgt Landagura at ng mga armadong kalalakihan.
Nang nakatalikod na ang Bn Hqs upang dumugtong sa 1st SRC na nasa aking likurang bahagi, nakita ni Germono na nagsipagtayuan ang marami pang ibang Abu Sayyaf at gustong tirahin sa likod na grupo ng Bn Hqs!
Di na nya inaantay ang kautusan ng kanyang Team Leader. Magaling sya sa baril. Isa sya sa mga Top Guns.
"Kalaban!", sigaw ni Germono habang kinalabit ang gatilyo. Pak! Pak! Pak! Single shots ang unang umalingawngaw. One shot, one kill.

Bratatatatatat! Ang sagot at nagsimula nang umuulan ng bala.
"Fire! Sa direction ng tapahan", utos ko sa aking mga tropa na nangangalay na sa kaaantay na pumutok.
Bababab! Bababab! Maganda ang delivery ni Pfc Gruta ng grazing fire mula sa kanyang M60E3 machinegun. Maganda ang aming posisyon, overlooking kami sa mga bandido.
Bababab! Bababab! Maganda ang delivery ni Pfc Gruta ng grazing fire mula sa kanyang M60E3 machinegun. Maganda ang aming posisyon, overlooking kami sa mga bandido.
Habang abala ang mga NCOs ko sa pag-control ng kanilang mga tauhan, tinawagan ko ang S3 na nasa mababang bahagi at nasa bandang creekline.
Nahirapan akong marinig sya dahil sa malalakas na pagsabog. Narinig ko ang radio operator ng Bde TCP at kinumpirma ko ang aming grid location.
"Our location is GC 92636953. Ang kalaban ay nasa direction na 135 degrees sa layong 200m. Pakihanda ang MG MD 520 at ang 105mm Howitzer," advice ko sa kanya.
Sa posisyon ng 14th SRC at 12th SRC, matindi ang labanan. Sila ang nasa kalagitnaan ng napakaraming kalaban. Beinte metro lang ang layo nila sa mga bandido.
Samantala, merong ibang bandido ay umaakyat sa high ground upang paikutan ang nakikita nilang kokonting tropa. Lingid sa kanilang kaalaman, nanggagalaiti ang mga musang ng 19th SRC na sila ay i-welcome.
Sinalubong sila ng putok mula sa aming mga guardian angels na may control sa high ground. Lumalagabog din ang bala ng 57RR na dala ng 19th SRC.
Sinalubong sila ng putok mula sa aming mga guardian angels na may control sa high ground. Lumalagabog din ang bala ng 57RR na dala ng 19th SRC.
Dahil sa dami ng balang pinakawalan ng mga bandido, tinamaan sa paa ang Platoon Sergeant ng 12th SRC na si Sgt "Cabra" Cabradilla. Nakita ng kalaban na sya ay naglupasay ngunit patuloy pa ring pumuputok.
Masyado syang napunta sa harapan at sya ang isa sa pinakamalapit sa mga Abu Sayyaf na agresibong sya ay ginagapang. Syempre, ayaw nyang mapugutan ng ulo. To kill or be killed. Pinagana nya ang kanyang pagiging 'tuso' sa laban.
"Maneuver right! Maneuver right!", sigaw ni Cabra, kahit na ang iba nyang team mates ay nasa bandang kanan at mga 10 metro ang layo sa kanya.
Gusto lang talaga nyang maparinig sa Abu Sayyaf na hindi sya takot at kontrol pa nya ang sitwasyon.
Habang nagmamaniobra ang tropa, tinamaan si Pfc Palen sa ulo at agad na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo. Sa hitsura nya, tila ay mamamatay na sya ngunit hindi bumibitaw sa kanyang baril.
Nang makita ni Sgt Taruc ang kalagayan ni Pfc Palen, matapang nya itong ginapang kasama ng kanyang mga tauhan upang sagipin at dalhin sa likurang bahagi.
Sa kanyang pwesto, maganda ang bentahe ni Msg Patribo at ang kanyang tropa laban sa Abu Sayyaf. Sila ang nakapagbigay ng base of fire para marecover ang mga injured na personnel.

Samantala, narinig ko ang tawag sa radyo mula kay Cpt Guerrero: "Cyclops, this is Thunder. Abort mo yang artillery! Masyadong dikit sa akin!"
"Sir, hindi artillery yan. Naka-standby pa sila sa aking tawag. 57RR ni Kumander Putol yan, duck for cover sir!"
Nag-aagawan sa malaking puno si Cpt Guerrero, ang kanyang RATELO at iba pa. Nakausli ang 10-foot antenna ng kanilang radyo at alam ng mga bandido na andon ang pinakamataas na opisyal.
Ginawa silang praktisan ng target shooting ng 57RR ng Abu Sayyaf, gamit na aiming point ang radio antenna.
Marami na rin ang mga nakahandusay na Abu Sayyaf pagkatapos ng isang oras na palitan ng putok. Hindi gumana ang kanilang sistemang 'pintakasi'.
Kapag ikutan nila sa kanang bahagi ang Bn Hqs, masigasig na salubong na putok ang ibinibigay ng magigiting na tropa ni Lt Sales.
Mula sa hilagang bahagi ng aking posisyon, merong namumutok at humahaging sa aming pwesto. Naisip ko na baka me tumawid mula sa grupo ng 19th SRC kaya tinawagan ko ang aking mistah.
"Bok, meron bang tumawid dito sa 100m west from your current position? Pinuputukan kami ni Sales"
"Bok, meron bang tumawid dito sa 100m west from your current position? Pinuputukan kami ni Sales"
"Nega bok, pinuputukan ko rin yan. Yan ang mga kasama nila, birahin nyo na!". Naging maaksyon na naman sa aming posisyon at me pasaway na gusto kaming traydurin.
Dahil sa sobrang sukal ng kanilang kinalagyan at dahil ito ay higher ground, pinaglinya ko ang aking M203 gunners at pinaliparan namin ng 40mm HE rounds ang kanilang posisyon.
Dahil sa sobrang sukal ng kanilang kinalagyan at dahil ito ay higher ground, pinaglinya ko ang aking M203 gunners at pinaliparan namin ng 40mm HE rounds ang kanilang posisyon.
Hindi pa rin humupa ang labanan at narinig ko sa radyo ang tawag ng MG attack chopper.
"Cyclops this is Hellfire come in over." sabi ng piloto.
Nakita ko ang attack helicopter at natutumbok nya kami.
"Hellfire this is Cyclops, go ahead. I am at your 12 o'clock proceed. Smoke is out, identify".
"Yellow smoke, is that charlie over?" Nakita rin kami ng piloto. Ibinigay ko ang general direction ng mga bandido. Sinigurado ko na ligtas sa fratricide ang kasamahang 12th SRC at 19SRC.

Nakita kong naka-pwesto na ang MG at ito ay nakaumang na sa direction ng mga bandido. "Coming in, hot!", sabi ng piloto. Wagaaaaaaam! Ka-booom! Kumakalabog ang tunog ng rockets. Umikot pa ito at nagpapaulan ng Cal 50 HMG na tila popcorn na sinangag ang tunog. Naka-smile ang karamihang tropa.
Di kalaunan pagkaalis ng mga helicopters, ayaw ring magpatalo ang 105mm sa aming Field Artillery Battery. "White phosphorus rounds coming!", sabi ng Operations Officer.
Iilang minuto lang lumipas, naririning na namin ang sipol ng projectile. Blagggggg! Nakita ko na me kalayuan ang bagsak ng bala, base sa puting usok nito.
"Left 100, Drop 100!", itinawag ko ang aking adjustment. Ang gusto ko na impact ay bandang 300 metro mula sa encounter site para mas siguradong safe sa tropa at kung merong tumakbong bandido, mabatuktukan ang ulo.

Saving our wounded comrades
Habang ina-adjust ko ang artillery fires, ipinag-uutos ni Cpt Guerrero ang pag-evacuate ng mga wounded. Ipinabuhat nya ito sa location namin ni Lt Sales upang ilayo sa umuulang bala.
"Wag nyo nang kunin yang mga baril at mga patay. Unahin nating sagipin ang buhay nitong ating mga wounded," utos nya sa mga tropa ni Msg Patribo at Sgt Taruc.
"Wag nyo nang kunin yang mga baril at mga patay. Unahin nating sagipin ang buhay nitong ating mga wounded," utos nya sa mga tropa ni Msg Patribo at Sgt Taruc.
Nang dumadami na ang bumabagsak na 105mm HE rounds, tila ay natameme ang mga Abu Sayyaf na pinangunahan nina Abu Sabaya at Kumander Putol.
Nag-execute ng organized withdrawal ang aming mga yunit bandang 4:00pm para sa MEDEVAC. Nang nakarating sila Cpt Guerrero sa aking location, nagkaroon kami ng coordinations.
"Ikaw pa rin ang leading Harold. Susunod sayo ang 12th SRC na magbubuhat ng wounded katulong ang piling mga tao ng14th SRC. Sa likuran nila ay ang 1st SRC. Susunod na kami ni Clifford," sabi ng aming mandirigmang Acting S3.

Malapit lang ang casualty evacuation point, mga 3kms air distance lamang ngunit ang problema ay dadaan pa kami sa mga kasukalan. Mag-alas kwatro na noon.
Minabuti kong tawagin ang katabing yunit na 7th Infantry Battalion upang magkaroon ng guide na tutulong sa amin. Nag set kami ng link up point half-way.
Sinilip ko ang kalagayan ng mga wounded at nakita ko ang kaawa-awang kalagayan ni Pfc Palen. Nakadilat ang mga mata at nakabendahe ang ulo. Di makapagsalita at umuungol.
Sobrang awa ko sa kanya. Dati ko syang tauhan nang ako ay EX-O sa 12th SRC sa Basilan noong 1998.
"Mabuhay ka Dong. Gagawin naming lahat para madala ka sa hospital," pinalakas ko ang kanyang kalooban.
Sinilip ko rin si Sgt Cabradilla at nakita kong 'high spirits' pa rin sya. Likas na palabiro at maingay si Cabra na dati ring Team Leader ko noon sa 12th SRC.
Pilit nyang magbiro pero di maipinta ang mukha habang nakahiga sa improvised stretcher na yari sa poncho.
"Yakang-yaka ito sir pero ang sakeeeeeeeeeet!"
Bago tuluyang lumakad ay kinausap kong mabuti ang aking mga tauhan."
Wag tayong kumpyansing ha, mabilis ang movement pero doble ingat".
Malaki ang aking duda na merong nagkandahiwalay na mga elemento ng Abu Sayyaf na maaaring makasalubong namin sa area. Lagi itong nangyayari.
"Wag kayong kampante, laging obserbahan ang paligid bago sumugod," bilin ko kay Cpl Rodel 'Bonnie' Bonifacio na syang namuno sa leading Team.
"Wag kayong kampante, laging obserbahan ang paligid bago sumugod," bilin ko kay Cpl Rodel 'Bonnie' Bonifacio na syang namuno sa leading Team.
Mga bandang alas singko ng hapon grabe na ang pagod namin sa kalalakad. sa kasukalan . Me mga puno ng durian akong nakita at merong nalaglag na bunga. Naglalaway man ako, di ko ito pinansin.
"Me araw ka rin sa akin," banta ko sa duryan na nakita kong me biyak na,ang ibig sabihin ay hinog na.
Nasa kalagitnaan ako sa pagnanasa sa duryang nakita nang nakita kong nakataas ang kaliwang kamay ng aming Lead Scout na si Pfc Alindajao.

"Halt!", yon ang ibig sabihin ng open palm na signal. Naka-tutok ang baril nya sa kaliwang bahagi ng aming daanan, patunay na merong posibleng kalaban na namataan.
Papalapit pa lang ako sa kanyang kinaroonan upang usyusuhin din ang kanyang nakita nang nagsimula ang palitan ng putok.
"Contact front! Dash for cover!"
Papalapit pa lang ako sa kanyang kinaroonan upang usyusuhin din ang kanyang nakita nang nagsimula ang palitan ng putok.
"Contact front! Dash for cover!"
Agad akong sumali sa skirmishers formation ng tropa sa harapan upang makita ang kaganapan. Umuulan ng rifle grenades at 40mm HE rounds mula sa M203 Grenade launcher.
Bumagsak ang iba sa mismong likuran ko lamang. Tuloy ang palitan ng putok.
Bumagsak ang iba sa mismong likuran ko lamang. Tuloy ang palitan ng putok.
"Mga damuho wag nyo kong iwan dito! Praybeeeeeeeeeeeet!", narinig ko ang matining na boses ni Cabra.
Iyon pala sa nerbiyos ng nagbuhat sa kanya, inilapag na lamang sya sa lupa at nagpunta sa malalaking puno ang mga MEDEVAC team na nagbuhat sa kanya.
Nahimasmasan, bumalik ang mga Private at ni-recover sya sa open terrain.

Sa aking posisyon, tuloy tuloy ang lagapak ng M203 rounds mula sa kalaban. Napadpad ako sa dalawang magkatabing niyog at nakita kong nag-aagawan sa iisang puno sina Pfc Gapasin at Pfc Mayo.
"Kayong dalawa, maghiwalay kayo, lipat sa kabilang puno. Go!"
Sa estimate ko, mga sampu lamang ang kalaban. Nakita kong ibinagsak ng isa ang kanyang pasan-pasang sako sa nerbiyos.
Nakikisawsaw ako sa pakikipagbarilan nang marinig ko ang kalampag ng bala sa mga dahon ng niyog. sa aming posisyon. Ka-blaam!
"Me tama ako sir!", hawak ni Pfc Gapasin ang kanyang tenga.
"Ako rin sir!", pahabol naman ni Pfc Garry Mayo.
Duguan silang dalawa pero panay daplis.
"Tamang aktor lang yan. Malayo sa bituka. Fight!", utos ko sa kanilang dalawa. Di ko agad sinabi kay Gapasin na nabawasan ng konti tenga nya dahil sa tama ng shrapnel ng M203 high-explosive round mula sa mga bandido.
Pagkatapos ng humigit kumulang na 30 minuto, dahan-dahang palayo na ang putok ng mga kalaban. Umatras sila. Di rin kasi matawaran ang tirada ng aming mga mandirigma.
"Consolidate and reorganize!"
Binalikan ko ang posisyon ni Lt Sales at kinumusta ko ang tropa nya.
"May naligaw na iilang rounds ng M203 dito bok pero magaling kaming umilag," sabi nyang pabiro.
Nang nakita ko ang dalawang wounded, lalo akong nag-alala. Panay ungol lang ni Palen.
Si Cabra ay nagmumura sa salitang Ilokano sa mga "Private Ryan" na nadapuan ng nerbiyos at iniwan sya sa open terrain.
Dahil ninais kong mabilis na makarating sa pinakamalapit na kalsada, minabuti kong ipagpatuloy na ang aming naantalang movement.
Fear of the unknown
Dakong 7:00pm, nasa ilalim pa rin kami ng kasukalan. Napakadilim at mahigpit ding ipinagbabawal sa amin ang gumamit ng flashlight.
Para sa amin, suicide pati yong mga naninigarilyo sa dilim na tila nag-aanyaya sa kalaban na 'Shoot me here!'.
Sobrang bagal ng aming movement dahil kailangang maisabay namin ang nagbubuhat ng aming wounded personnel. Maliban pa doon, ayaw naming maging maingay ang aming mga kilos.
Dakong 7:30pm, napansin kong huminto na ang leading elements. Sa aking pagtataka, inusisa ko si Cpl Bonifacio na iilang metro lamang ang layo sa akin.
"Sir, ayaw nang lumakad ni Rolly. Umaayaw na kahit pinipilit ko na," sabi nya.
Nag-alala ako. Baka battle-stressed na ang aming Lead Scout. Takot ako na baka ay biglang 'bumigay'. Nilapitan ko sya at pabulong na kinausap.
"Rolly, ano nangyari sayo at ayaw mo nang lumakad? Nanganganib na ma 'loss blood' sina Palen," sabi ko sa kanya.
"Sir, 'kulbaan na ko sir' (kinabahan na ako sir). Sobrang madilim baka me nakaabang na Abu Sayyaf sa atin!"
"Hindi pwede yan. Ikaw ang trusted Lead Scout ko. Wag mong sirain ang tiwala ko sayo. For that matter, ako ang magiging Guide ngayon. Hindi tayo mapapahamak dahil ako na mismo ang nasa likuran mo," sabi ko sa kanya, bilang pagsubok na patatagin ang kanyang kalooban.
Garalgal man ang boses at napakalalim ang buntong-hininga, hindi nya nakayanan na ako ay pahindian.
"Yes sir, tuloy tayo. Kakahiya naman sayo, ikaw na ang Guide sir."
Natuwa ako at napataas ko uli ang confidence nya.
"Maniwala ka rin sa ipinagyayabang mong anting-anting mula sa iyong Lolo. Hala, suutin mo uli ang Night vision googles at sa akin yong isa para maayos natin ang movement ng buong batalyon".

Kaya ayon, pinagtyagaan ko syang hawakan sa balikat habang naglalakad. Pinaramdam ko sa kanyang hindi ko sya ipapahamak.
Panay din ang dasal ko sa Dios upang kami ay protektahan.: "Kami po ang good guys, pagpalain mo po kami.
Ang inalala ko naman talaga ay mabulabog ang buong batalyon kung magkalat kami at magkagulo kung sakaling me mangyaring masama sa leading elements.

Mga 8:30pm, biglang naaninag ko na ang liwanag. Nakalabas na kami sa kasukalan. Nakikita ko na ang langit at ang mga kumukutitap na mga bituin.
Sa horizon, nakikita ko rin ang mga bangka ng mangingisda na nakailaw. Nabuhayan kami ng loob. Malapit na kami sa kalsada sa lugar ni Dayang-dayang (Princess) ng Pansol.
Mga 9:00pm nang nakarating kami sa kinaroonan ng armored vehicles. Tagumpay ang aking pakiramdam.
Kinausap ko Si Alindajao na tila nahimasmasan mula sa isang bangungot.
"O kitams Dong, sabi ko sayo eh. Astig kang Lead Scout, panindigan mo yan."

Nang nakumpleto na kaming lahat sa lugar na iyon, di natapos ang aming kuwentuhan kasama ang lahat ng mga NCOs ng iba't-ibang yunit. Magdamag naming tinalakay ano ang mga kaganapan sa naturang bakbakan.
Naipakita namin sa aming mga tauhan na sa Scout Rangers, walang iwanan. Mas pinahahalagahan namin ang buhay ng aming mga kasamahang mandirigma.
Si Sgt Cabradilla ay gumaling sa kanyang sugat ngunit pilay-pilay nang maglakad. Palabiro at maingay pa rin kagaya ng dati.
Si Pfc Palen ay nakakalakad na ngunit pautal-utal nang magsalita.
Tuloy-tuloy pa rin silang dalawa na naninilbihan sa Philippine Army.

Si Pfc Joel Germono at si Pfc Garry Mayo ay promoted na bilang mga Sarhento. Sila ay mga batikang Sniper instructors sa Scout Ranger Training School.
Si Pfc Alindajao ay nag-aaral ng 4-year course bilang iskolar ng DND. Proud pa rin sya bilang mandirigma sa field.
Si Cpl Rodel Bonifacio ay nadestino na sa DND. Isa sya sa naparangalan bilang The Outstanding Philippine Soldiers ng Metrobank Foundation at Rotary Club of Makati-Metro.
Si Cpl Rodel Bonifacio ay nadestino na sa DND. Isa sya sa naparangalan bilang The Outstanding Philippine Soldiers ng Metrobank Foundation at Rotary Club of Makati-Metro.
habang binabasa ko sir parang nka panood ako ng movie.
ReplyDeleteMore power to all AFP servicemen!!!!
-nikki john
Sir, I can't say no more... Ang sarap mo magkwento. Pano mo pa naalala mga detalye?
ReplyDeleteI was reading up to the end, gusto ko malaman ang nangyari kay PFC Palen. I can feel the objective of this post, "Wlang Iwanan" Brotherhood within the Scout Ranger circle.
More power, more posts Sir!
Best Regards,
Drey Roque (pagduaw.com)
Thanks Drey!
ReplyDeleteCpl Palen is now serving at the Scout Ranger headquarters in Bulacan. He is partly paralyzed due to his head wound.
From time to time, I meet these warriors and recall some common experiences.
I have battle reports about our adventures too.
Thanks for visiting my blog. :-)
sir,
ReplyDeletei shared this story to my fb wall if u don't mind...napatawa kasi ako sa prybeyt na ng iwan ky sgt cabra hehehhe..
=ur story is quiet amazing., saludo ako sau sir..
at sa lahat ng mga kasama mo.. God Speed..
- fm 154928
cs SN ko..:)
No problem.
ReplyDeleteIf you meet Ranger Cabra, tell him to share his funny experience during this particular encounter. :-)
keep posting sir! your one of the best philippine soldiers has to offer.. looking forward to meet you in the future sir!
ReplyDeleteSir, i enjoyed this!
ReplyDelete:)
maganda gawan ng movie ito... too bad patay na ang action movies sa pinas...
ReplyDelete, npkahirap at hindi biro ang maglikod sa bayan especially ang maging SUNDALO
ReplyDeleteSir sarap basahin ang blog mo, lalo na sa mga tactical at strategy nio marami pa akong nalaman sa mga scout ranger.... parang pelikula pala. pero gusto kong malaman kung may namatay ba sa mga sundalo?
ReplyDeleteSi landagura pala ang nagpahamak sainio hahaha dapat hindi gingawa ang ganoon style sir ung nagpapakita kau sa tao... dapat na ka stay invisible parin kau... pano pg ung kinamusta eh Cafgu nga pero kasama nia mga bandido
ReplyDelete