Saturday, October 6, 2012

Ang aking tips sa gustong magsundalo


Dumadami ang nagpapadala sa akin ng mensahe na humihingi ng tulong upang makapasok sa hanay ng Philippine Army. Merong nagpapalakad para maipasa ang entrance exam, merong gusto ng 'waiver' sa height o edad, at merong gusto na i-prioritize sa quota.
Kahit pa man ay di na rin mabilang ang aking natulungan upang makapasok sa pagsusundalo, hindi po ang ganong tipo ng tulong ang aking ibinibigay. Dapat ay sinusunod ang proseso at kailangan din ay maipasa ang lahat ng requirements.
Unang-una, hindi pwedeng dayain ang mga edad at educational background. Dati, nakakalusot ang dokumentong gawa sa Recto. Sa masinsinang background investigation at makabagong kagamitan sa pag-beripika ng mga papeles, malalaman kung ito ay retokado o peke.
Dumadaan sa tinatawag na 'validation' ang lahat na shortlisted candidates para sa Candidate Soldier Course. Sinusukat ang kanilang height, ini-interview kung magtugma ang nasa dokumento at ang kanyang sinasabing mga impormasyon.
Halimbawa, merong natanggal sa short list at tuloy naging 'black list' dahil sa pamemeke ng dokumento. Ayon sa kanyang papeles, sya ay isang Mechanical Engineer. Dahil hindi sya confident na makipag-usap sa interview panel sya ay biniglang tinanong ng basic mathematics:
"Hijo, Engineering graduate ka pala. Square root of 25?"
Natulala si pekeng Engineer Boloy. "Eh, sir pang licensed engineer naman yang tanong mo."

"Akala ko ba ay graduate ka ng Engineering? Peke pala dokumento mo eh. Gawang Recto ito. Bakit ka nagpapanggap na Engineer?", sabi ng opisyal.
"Eh kasi sir, requirement nyo kasi college level!", sabi ni Boloy.
Dahil dyan, di na uubra ang magprisinta ng peke. Lalo lang kayong mapahamak. Digital age na ngayon at madaling mag-verify ng authenticity ng mga documents.
Transparency rin po ang pinapairal ng Army Recruitment Center sa paghahayag ng resulta ng examinations.
 Laging binabago ang set ng exams upang maiwasan ang leakage. Ang mga nahuhuling nagkokopyahan o nangongopya ay pinapatanggal agad at 'black-listed' sa recruitment.
Totoo yon na sa recruitment ay merong 'palakasan'. Dapat 'malakas' ang dating ng papel na isinumite mo at dapat malakas ka physically.
Ito ang ang aking mga brotherly tips upang makapasok sa quota ng training:
1. Mag-sumite lamang ng orihinal at hindi pineke na mga dokumento. No Recto documents please! Fraudulent enlistment ang tawag nyan at makakasuhan din ng falsification of public documents.
2. Mas maiging college level o kaya merong vocational course at skills na kailangan ng Army kagaya ng computer technician, electrician, karpintero, drayber, computer operator, gunsmith, at iba pa. Kung kakaiba at sobrang level-up ang skill, mas malamang na priority ka na (halimbawa, hanap-hanap ko para sa aking opisina ay isang batikang manunulat, photographer o videographer). Kung ikaw rin ay isang magiting na atleta kagaya ng iilan sa Pinoy Dragon Warriors, maaaring priority ka rin sa enlistment.
                                                          Photo by Carlo Carpio-Claudio
3. Mag-ehersisyo at palakasin ang pangangatawan. Dapat makatakbo ng 15 minuto sa 3.2kms, push up na 60 at sit-up na 60 sa 2 minuto (pinasobrahan ko na yan para siguradong pasado). Kung mahihigitan mo pa yang nilagay ko na standard, mas malamang ay priority ka na.
4. Para maipasa ang entrance exam, mag-review ng logic, English, Mathematics. Ang nilalaman ng exams ay mga pang-high school lamang na subjects at walang tipong pang-doctorate. Wag matakot na di maipasa ang exams. Mas mataas na exam result, mas maigi para sayo.
5. Iwasan ang mga bisyo na maging dahilan sa mga sakit at panghihina ng katawan kagaya ng pag-iinom ng alak at paninigarilyo, pati na rin ang sobrang lamon ng pagkain na nakakapagpataba o dahilan ng obesity. Patatayuin pa lang kayo at kung tipong sumasabog ang taba mo sa tagiliran at para kang buntis ng 5 buwan, malamang slashed ka na agad.
6. Matutong makipag-usap ng mabuti dahil kailangan ito sa interview. Kapag nanginginig at pinagpapawisan sa harap ng mga opisyal sa interview, malamang maging last priority o matimbog ka dahil ayaw ng Army ng sundalong nerbiyoso (tagerger) na napapaihi o bahag ang buntot sa mga delikadong misyon.
7.  Mag-isip ng milyon-milyong beses kung desidido ba talagang pasukin ang pagsundalo dahil mahirap ito. Meron din kasing iba na pagkatapos maranasan ang mga umuulang bala o laging napupuyat sa rescue missions ay umaayaw na at mag-AWOL na lang.
8.  Isipin lagi ano ang magagawa para sa Army at sa bansa once makapasok bilang sundalo. Huwag isipin ano ang magagawa ng Army para sayo. Ang pagpasok sa serbisyo ay isang bokasyon at hindi ito kagaya ng kung anu-anong employment opportunities sa civilian sector. Serbisyo publiko ang pagiging sundalo at hindi ito employment.
***Photos are credited to the 9th Division Public Affairs Office

15 comments:

  1. Sir, can a civilian apply as a writer at your office? interested po. thank you!

    ReplyDelete
  2. Send your resume at oacpa_hpa@yahoo.com c/o to my name and let me see if you will be considered.

    Thanks!

    ReplyDelete
  3. sir, ma disqualify po ba agad pag may problema sa eye sight? i mean nag sasalamin po. nag hahanap po kasi ako ng requirements tungkol sa eye vision e wala po ako makita

    ReplyDelete
  4. good pm sir... ask ko lang po kung ilang taon ung result ng exam bago po mag expired... at ask ko narin po kung magkakaroon po ng quota this coming year... im college level lang po, computer science course... but my problem sir im 26 yrs old last nov. 23, 2012. d ko po alam kung pwede pa po ako... un lang po sir... take care, god bless and advance merry Christmas po...

    ReplyDelete
  5. sir, kelan po magsisimula yung quota sa army sir? willing po ako mag apply at mag undergo ng training sir, im edward carag po from tumauini isabela sir, college level sa course na BS information technology sir, kasulukuyan po akong guard ngayon sir, im 22 years old na po. e2 nga po pala no. ko sir, 09067311928, salamat po.

    ReplyDelete
  6. sir tanggap ba po ung ganitong skills? marunong mag luto,mag drawing,magtanim,mag halo ng cemento, at kauni sa pag kakarpintero

    ReplyDelete
  7. sir high school grad.aq at mag 30 years old nxa abril..pde po b khit gnun age poh..?

    ReplyDelete
  8. Pwde paba magsundalo ang may tahi sa labi pero ayos naman magsalita

    ReplyDelete
  9. Sir ano po height limit para maka pasok sa pagiging sundalo gusto kupo mag silbi sa bayan at sa bansang Pilipinas

    ReplyDelete
  10. Sir pwedi po ba maka pasuk gread 10 pa po ser isa ako atlitta date ser volleyball player 22 years old napo ako

    ReplyDelete
  11. pwede ka po ba mag sundalo kahit highschool graduate lang po?

    ReplyDelete
  12. sir ask ko lang po pwd po ba ako mag sundalo kase po ang aking elbo sir ay nabali po pwd po ba sir.at ilang limit po para makapag sundalo po. grade 1 grad po sir. ang aking pangalan po ay jean mae dullete po

    ReplyDelete
  13. i mean sir grade 10 grad po....thank you po sana po pwd

    ReplyDelete
  14. ako po ay marunong magteakwando po yon po ang aking skills po salamat

    ReplyDelete
  15. Sir pwede po mag sundalo kahit 27 yrs old na po ako? 3rd year college po ako IT student midyo hirap po sa buhay di pa po ako makapag enroll.gusto ko po sana mag sundalo sana po matulungan nyo po ako.

    ReplyDelete

Sponsor