Saturday, October 20, 2012

Ako ay mandirigma na 'non-combatant'

Noong kami ay mga kadete pa lamang sa PMA, pangarap na naming mapahanay sa First Scout Ranger Regiment na kilala bilang pangunahing yunit ng mga Dugong Mandirigma sa bansang Pilipinas.


Noong kami ay mga 'young and dashing' 2nd Lts noong 1994, pinaglista kami ng aming priority unit assignment.

Merong 13 na mga yunit ang aming pagpilian na mapuntahan: Eight (8) Infantry Divisions, First Scout Ranger Regiment, Special Forces (Airborne) at Light Armor Brigade.

Sa sistemang prioritization, isulat mo ayon sa pagkasunod-sunod ang gustong mapuntahang yunit. Halimbawa kung pinakagusto ay FSRR, ilagay ito sa number 1, and so forth.

Dahil die hard Scout Ranger ako, sinubukan kong magpasaway. Ito ang aking nilagay sa aking papel na ipinasa:

Name: 2nd Lt Harold M Cabunoc

Order of Priority:

1.    First Scout Ranger Regiment
2.    First Scout Ranger Regiment
3.    First Scout Ranger Regiment
4.    First Scout Ranger Regiment
5.    First Scout Ranger Regiment
6.    First Scout Ranger Regiment
7.    First Scout Ranger Regiment
8.    First Scout Ranger Regiment
9.    First Scout Ranger Regiment
10.  First Scout Ranger Regiment
11.  First Scout Ranger Regiment
12.  First Scout Ranger Regiment
13.  First Scout Ranger Regiment

At may dinagdag pa akong pa-cute:  Rangers Lead the Way!

IDOL WARRIOR. Ang aking iniidolo sa larangan ng pakikidigma na si Major General Julius Javier, ang dating Regiment Commander ng First Scout Ranger Regiment from 1991-1998. Sya ang tinatawag ng mga Rangers na 'The Living Legend' dahil sa kanyang kakaiba at minsan ay di kapani-paniwalang kagalingan sa larangan ng pakikidigma kahit saang sulok man sa ating kapuluan.


Mismong ang legendary Scout Ranger warrior na si Col Julius L Javier ang pumili ng mga opisyal mula doon sa sobra 40 na nag-volunteer na sumanib sa FSRR na kanyang pinamunuan.

Ewan kung na-challenge sa aking pagiging mapangahas na pasaway, isa ako sa handpicked na magiging kasapi sa elite unit ng mga mandirigma.

Kasama sa kinuha ay ang PMA Class 94 Nr 2 man, Manny Cabasan at ako na nagtapos bilang pinakahuli o 'Class Goat'.

Meron ding apat na mula sa Officer Candidate School Class 11-04 ang pinili. Ito ay sina Jun Claros, Jake Paler, Jun Gaminde at DJ De Joya.

Labing lima kaming kinuha ng FSRR:

1. 2nd Lt Clifford Cordova
2. 2nd Lt Harold Cabunoc
3. 2nd Lt Emmanuel Cabasan
4. 2nd Lt Isagani Criste
5. 2nd Lt Roy Anthony Derilo
6. 2nd Lt Rommel Pagayon
7. 2nd Lt Frederick Sales
8. 2nd Lt Montano Almodovar
9. 2nd Lt Ruben Guinolbay
10. 2nd Lt Joey Fontiveros
11. 2nd Lt James Sababan
12. 2nd Lt Isaias Claros
13. 2nd Lt Jake Paler
14. 2nd Lt Epifanio Gaminde
15. 2nd Lt DJ Dejoya

NON-COMBATANTS NO MORE. Kasama ko sa larawan ang dalawang mandirigmang sina Erick Sales (kaliwa) at Clifford Cordova sa aming pakikipagsapalaran sa lalawigan ng Sulu. Si Lt Sales ay naging Best Company Commander at multi-awarded ng Gold Cross Medal, samantalang si Lt Clifford Cordova ay nakatanggap ng dalawang Distinguished Conduct Star maliban sa sangkaterbang Gold Cross Medals dahil sa kanilang napakaraming combat accomplishments sa Mindanao. Si Clifford ay kasama ko sa orihinal na mga 'non-combatants' noong January 1995. (10SRC photo)


Nang ito ay inanunsyo sa amin, para akong nanalo ng jackpot sa lotto. Sobra akong masaya. Matutupad na rin ang aking pangarap na maging ganap na mandirigmang Scout Ranger.

Nang pinag-report kami sa FSRR, sinigurado kong dumating akong mas maaga sa termination. Malay ko ba kung ma-slash ang sino mang ma-'bad shot' di ba?

Batid ko na 12 lamang ang Scout Ranger Companies. Tatlo rito ay nasa Mindanao kagaya ng 1st SR Company na pinamunuan ni Cpt Cirilito Sobejana, 4th SR Company na pinamunuan ni 1st Lt Angel Sievert at ang 6th SR Company na pinamunuan ng isa pang legendary warrior na si Cpt Robert Edward Lucero.

Ang problema, halos lahat kami ay gustong mapunta sa Mindanao, lalo na sa Basilan. Nag-aagawan kaming mapunta sa frontline bilang Platoon Leader.

Dahil dito, ang ginawa ng aming Personnel Officer (G1) na si Cpt Rene Glen Paje, draw lots kami kung sino ang ma-swerte.

Nang bunutin ko ang aking papel, napasigaw ako ng 'Eureka!'. Nakuha ko ang 1st Scout Ranger Company na nakadestino sa Basilan!

Sobra na akong excited na sumabak sa tunay na gyera!

Kinaumagahan, pinatawag ako ni Cpt Paje para sa importanteng instruction.

"Mr Cabunoc, powerlifter at judo player ka pala. Mas maiging dito ka muna sa headquarters sa Fort Bonifacio para turuan ang mga bata ng weights training program at combative sport," sabi nya.

Nagulantang ako. Parang gumuho ang mundo. Parang nabaha ako. Low morale ako.

"Pero sir, ang nabunot ko ay 1st SRC na nasa Basilan," paliwanag ko at appealing to pity pa.

"Sinabi ko na nga ang dahilan eh. Bukas, gusto ko ipresent mo sa akin ang weights training program ng mga tropa natin."

Kamot-ulo ako sa nangyari kasi hindi yon ang aking inaasahan. Gusto ko na agad makapiling ang mga mandirigma sa field at makatulong sa combat-rescue missions na ongoing sa Basilan sa mga panahon na iyon.

Pagbalik namin sa barracks, grabe ang tawanan ng lahat lalo na yong mga ma-assigned sa field. Sino ba naman ang happy na assigned nga sa Rangers eh, mataguriang 'headquarters boys' at 'non-combatants'?

Kasama ko sa napabilang sa 'non-combatants' (ayon sa kantyaw ng aming mistah na si Lt Ruben 'Gino' Guinolbay) ay sina Gani Criste, Mon Almodovar, Clifford Cordova at si Rommel Pagayon.

Instead na nakikipagbabakan kami sa bundok, napapasabak kami sa mga parada. Tuwing hapon ay nasa weights room naman ako upang turuan ang aming mga sundalo sa tamang pag-gamit ng mga kagamitan doon.

Iilang araw lang ang lumipas, inggit na inggit kami pag nababasa namin na napapasabak na sa Basilan sina Manny Cabasan at James Sababan.

Dahil wala kaming magawa sa sitwasyon, ika nga ay pinaganda na lang namin ang aming kalagayan. Bilang paghahanda sa aming schooling, nagpalakas kami ng aming pangangatawan sa mga physical training activities.

Kaya ayon, instead na M16 Rifle ang aking binubuhat, dumb bells at barbells ang inabot ko.

Parang gusto kong maluha sa aking sinapit ngunit pinag-igian ko na lang ang pagiging weights training instructor sa mga payatot na Rangers na kalimitan ay sa takbuhan lamang malalakas. 

Ang kagandahan, natuto akong makisalamuha sa mga musang (Ranger warriors). Karamihan sa kanila ay mga beterano na sa mga bakbakan.

Sa kanila ko itinatanong ang mga karanasan nila sa mga bakbakan. Naririnig ko sa kanila pati kwento ng mga diumano ay mga palpak na lider at mga iniidolong lider.

Dahil may mga magandang napupulot din naman ako sa aking trabaho, ini-enjoy ko ang aking ginagawa sa headquarters. Tiniis-tiis ko muna ang pagiging 'Non-Combatant'

(Sa susunod na kabanata, malalaman nyong merong nakatagong opportunities ang aming sinapit na kapalaran bilang 'Makati warriors' at 'headquarters boys'.) 



6 comments:

  1. ganda ng life story mo sir.. ! may comedy and action.. hehehe

    More power to you sir!

    -nikki john

    ReplyDelete
  2. ngayon ko lang nalaman sir na kayo po pala ang class goat ng 94.hehe.most probably mas malayo na ang naabot kumpara sa iba na mas mataas ang standing.

    ReplyDelete
  3. Work Break muna...

    Sir, nice post. It seems your dashing and young years sum up to a popular Bible verse, "To every thing there is a season, and a time to every purpose under the heaven".

    Weight-lifting and non-commandant it may seem, but in the team, there are no small jobs. You've proved it that you've taken your life step by step. I would often share this to my friends that "Stupid accidents of the past makes one laugh, but remembering good times of the past makes one cry."

    Moreover, even if we seem to plan our ambitions well, we have to take into mind that "In his heart a man plans his course, but the LORD determines his steps."

    You are what you are sir. It's nice when I hear people tell stories of them fully blessed with their life. BUT, glory days is still ain't over. Bata ka pa naman diba? Sana may About Me page ka so I can get to know the author better.

    May kasabihan nga, "daghan pa kan-on nabilin sa imong kinabuhi, basig unli-rice pa" hehe!

    More power sir. God Bless!

    Best Regards,
    Drey Roque (pagduaw.com)

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. Chanced upon your blog, sir. It was nice seeing my father's name on your entry. Naririnig ko halos lahat ng mga pangalan na yan sa mga kwento ni Daddy noong bata pa ako. Thank you!

    ReplyDelete
  6. Familiar names listed... Very proud of my brother (Jake), a brave warrior. God bless mga MUSANG.

    ReplyDelete

Sponsor