Tuesday, August 7, 2012

Na-'Ranger' ka ba?


Na-Ranger ka ba?

The Scout Rangers are widely known for their stealth, cunning and ferocity in combat. The unit's mascot is the Black Panther (also referred to as the local Musang). There are several records about the Rangers' accomplishments in military operations starting from the Huk campaign,  the  Muslim rebellion in the 1970s and the current operations against various threats. Due to their superb skills in small-unit operations, the Scout Rangers are able to capitalize on stealth movement and the element of surprise, making them the enemies' worst nightmare.

'Na-Ranger' ka ba?

Ang linyang 'Na-Ranger ka ba?' ay nauso simula sa mga inuman at kantyawan ng mga sundalo. Sa orihinal na idea ito ay patungkol sa kalaban na natalo sa labanan. Halimbawa, pagkatapos ng isang matagumpay ng 4th Scout Ranger Company na pinamunuan ni Sgt Sabellina sa Davao, ito ang sinasabi ng mga sundalo sa NPA: 'Ayan, dahil ayaw nyo mag-surender, na-Ranger tuloy kayo!"

Ito rin ay ginagamit sa mga Rangers na nanliligaw. Sa pabirong turo ni BGen Benjamin Duque (SR Class 08), dapat daw ang Scout Rangers ay hinaharap ang musang patch kapag nanliligaw para mapasagot kaagad ang sinisinta. Kapag maganda ang girlfriend ng isang Scout Ranger, ang sinasabi ng iba lalo ng mga non-Rangers ay: "Na-Ranger yan!".

Minsan ay naging dahilan din ito ng away ng mga sundalo. Sa isang pagkakataon ay may nawawalang cellphone sa Army Shooting Team at di matukoy sino kumuha. Nang nagkaroon ng imbestigasyon, sabi ng isang sundalo: "Sir, mukhang na-Ranger ang cellphone na iyon!". At dahil sa kanyang pananalita, isang maskuladong Ranger ang galit na galit na nagkompronta sa kanya at sabi: "Damuho ka porke non-Ranger ka, ano palagay mo sa aming mga Rangers, magnanakaw? Suntukan na lang!". Naawat ko naman sila.

Dahil dito, gamitin ng tama ang naturang terminolohiya at baka 'ma-Ranger' tayo.   



1 comment:

  1. ok yun ah...mag ingat non-rangers..hahahaha

    ReplyDelete

Sponsor