Wednesday, August 8, 2012

'Baby Armalite'




'BABY ARMALITE'. Pagkatapos na ma-issue sa mga sundalong Pinoy ang M16 Armalite Rifle na may habang 20-inch an barrel noong late 70's, sinundan ito ng issuance ng carbine version  na kung tawagin ay Colt AR-15 o CAR 15 na may mas maikling barrel na 15inch ang haba. Ang Colt Commando naman ay mas pinaikli pa na may habang 11.5inch ang barrel. Dahil mas maliit, naging paborito itong ginagamit ng mga opisyal ng militar o kaya ng special units na kagaya ng Scout Rangers. Dahil mas maliit, nakasanayan na itong tawaging 'Baby Armalite'. Nang lumabas naman ang modelong 7.5inch barrel ng DPMS, tinatawag na itong 'Infant'. Nang merong Pinoy na pinaikli pa ito sa 5-inch barrel na lamang, tinawag na rin itong 'Fetus'. Inaantay ko pa ang model na kung tawagin ay 'Sperm'.

 
Sa ngayon, pati ang U.S. M4 Carbine Rifle na may habang 14.5inch barrel ay tinatawag pa rin na 'Baby Armalite' o kaya ng bagong terminong 'Balikatan Baby Armalite' dahil kalimitan ay gamit ito ng mga Amerikanong kasali sa Balikatan Exercises.

Dahil dyan, wag awayin ang driver ng sasakyang me nakatatak na 'Baby on Board' at me larawan ng riple dahil malamang me dalang 'Baby Armalite' ang nagmamaneho o pasahero nito.

No comments:

Post a Comment

Sponsor